Abstract:
Umikot ang pag-aaral na ito sa motibasyon sa pagsali ng apatnapu't anim na mga
batang miyembro ng "Komedya ng Don GaloM. Layunin ng pag-aaral na alamin at suriin ang
mga dahilan ng mga bata sa pagsali sa grupo. Sinikap ding alamin ang mga salik na
nakaimpluwensya sa motibasyon ng mga bata para sumali sa grupo.
Ang mga dates ay kinalap sa pamamagitan ng serye ng mga interbyung isinagawa
ng mananaliksik sa apatnapu't anim na miyembro ng KDG noong Disyembre 17, 2006;
Enero 8, 2007 at Enero 15, 2007. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng: una,
pagsasagawa ng deskripsyon ng mga datos; ikalawa, tematikong pagsusuri ng mga datos
sa pamamagitan ng paghahanay ng mga datos sa mga kategorya; at panghuli ay
konseptwal na pagsusuri kung saan nakabuo ang mananaliksik ng isang balangkas-diwa ng
motibasyon sa pagsali ng apatnapu't anim na miyembro ng KDG.
Sa pagsusuri ng datos, ang mga dahilang nakuha mula sa interbyung isinagawa ay
inihanay sa tatlong kategorya. Ito ay ang mga (1) Napilit/Naimpluwensyahang sumali sa
grupo: (2) Naakit na sumali sa grupo; at (3) May shilling layunin sa pagsali sa grupo.
Napansing ang tatlong kategoryang nabanggit ay naimpluwensyahan ng tatlong salik;
Panloob, Panlabas at Magkahalong Panloob at Panlabas. Mula sa isinagawang pagsusuri,
nakitang ang motibasyon ng apatnapu't anim na mga bata sa pagsali sa "Komedya ng Don
Gal。" ay maaring mula sa impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanila (Salik na
Panlabas); mula sa sarili nilang desisyon (Salik na Panloob); o di kaya ay mula mga bagay
na nakita at nalaman tungkol sa grupo na nakapukaw sa interes nila para sumali
(Magkahalong Panloob at Panlabas na Salik). Pinakamarami ang mga batang sumali dahil
sa sarili nilang desisyon (Panloob na Salik) na may bilang na dalawampul isang mga bata.
Ang mga batang ito ay May saiiling layunin sa pagsali na maaaring patungo sa pagtugon sa pangangaiiangang interpersonal (Para madagdagan ang extra-curricular activities; 1 bata),
pafungo sa seguridad sa pamumuhay (Para madiskubreng artista; 1 bata) at patungo sa
paglago ng sarili (Paghubog ng talento; 21 na bata). Pumapangalawa naman sa dami ang
mga batang sumali dahil Naakit sumali sa grupo dahil sa mga bagay na nakita at nalaman
tungkol sa grupo na nakapukaw sa interes nila para sumali (Magkahalong Panloob at
Panlabas na Salik) na may bilang na labingapat na bata. Ito ay ang mga batang napanood
ang pagtatanghal ng grupo at sumali dahil gustong maranasan ang maging Komedyante (13
na bata); at nalaman ang mga achievements ng gnipo at gustong mapabilang dito (1 bata).
Pinakakaunti naman ang mga batang naimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid sa
kanila (Panlabas na salik) para sumali na binubuo ng labingisang bata. Ang mga bata ay
Napilit/Naimpluwensyahang sumali sa grupo ng kanilang pamilya, kamag-anak at kaibigan
(5 bata). Karamihan sa mga pamilya, kamag-anak at kaibigang ito ay nadiskubreng mga
Komedyante rin. Napansin ding ang mga guro ng mga bata ay may malaking impluwensya
rin sa pagsali ng mga bata sa grupo (6 na bata).
Mula sa mga ito ay nakabuo ang mananaliksik ng isang balangkas-diwa na
nagpapakita ng biswal na representasyon ng motibasyon ng mga bata sa pagsali sa grupo.