dc.description.abstract |
Ang lalawigan ng Benguet ay mayaman sa mineral tulad ng ginto, pilak at
tanso. Dahil sa maraming deposito ng mineral sa lugar,isa ito sa paboritong puntahan ng
dayuhan upang minahin ang lupa. Malugod naman na tinatanggap at pinapapasok ng
gobyerno ng Pilipinas ang malalaking kompanya upang magpatakbo ng kanilang
korporasyon ng mina sa ating bansa.
Pinaigting ng mga batas ng Small Scale Mining lalu na ng Philippine
Mining Act of 1995 ang pagpasok ng mga kompanya ng mina na sabik na sabik minahin
ang bulubundukin ng Pilipinas. Ang naturang batas ay ang liberalisasyon ng industriya ng
mina na pinaniniwalaan ng gobyerno na siyang pag-asa sa pag-angat ng ekonomiya ng
Pilipinas.
Unti-unting nawawalan ng saysay ang ipinaglaban ng mga ninuno ng ating
mga katutubo. Ipinaglaban ng mga ninunong Pilipino ang pagmamahal sa lupang minana
mula pa sa kaninuninuan laban sa mga dayuhang mananakop. Ngayon, pilit na napapaalis
sa kanilang lugar o katutubong lupa ang mga katutubo o indigenous people upang
magbigay daan sa pagpapatakbo ng mina ng mga korporasyon.
Walang malakas na katibayan ang pinaghahawakan ng mga katutubo sa
kanilang pag-angkin sa kanilang lupain. Kahit ang mga pinalabas na mga CALC at
CADC ay hindi kayang ipanlaban sa mga dayuhang kompanya ng mina dahil sa
matinding pagpabor ng Philippine Mining Act sa mga kompanya. |
en_US |