Abstract:
Ang papel na ito na pinamagatang “Inuman sa Quezon: Isang Pag-aaral Tungkol sa
Pag-inom ng Alak Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino” ay nababatay sa kagawian at
paniniwala ng mga taga-Quezon tungkol sa paggamit ng alkohol o mga inuming may
alkohol. ang pag-inom ng alak ay matagal nang bahagi ng kultura hindi lamang sa Pilipinas
kundi pati na rin sa ibang bansa kung kaya’t ang paksang ito ang napili ng may-akda.
Layunin ng papel na ito na malaman kung bakit ang inuman ang pangkaraniwan nang gawain
sa Quezon at ano ba ang magandang naidudulot nito sa mga manginginom. Nais din nating
malaman kung ang alkohol ba ay may negatibong epekto sa kalusugan, at sa relasyon sa
pamilya at sa kapwa, at kung ang kultura at ang kapaligiran ba ang pangunahing salik na
nakapagtutulak sa isang tao na malulong sa alkohol. Upang masagotang mga ito, ang ginamit
na pamamaraan ay ang pananaliksik at pagkonsulta sa mga nasulat na pag-aaral kaugnay nito
at pakikipanayam sa mga representatibo ng pinag-aaralang populasyon.
Sa sumunod na kabanata ay tinatalakay ang alkohol at alkoholismo. Ethanol o ethyl
alcohol ang pangunahing sangkap ng mga inuming may alkohol o alak. Ilan sa mga uri ng
inuming ito ay ang wine, beer, at spirit na pawang dumadaan sa mga proseso tulad ng
Jermentation at distillation kapag ito ay ginagawa. Ang alak ay ginagamit na noong una pang
panahon sa mga ritwal at seremonya ng mga sinaunang tao sa mga naunang kabihasnan.
Ngunit habang fumatagal at lumalawak na ang paggamit ng alkohol ay kinakitaan na ito ng
pagdepende ng ilan dito at nagresulta sa pagkakaroon ng suliranin sa pag-inom. Ang
alkoholismo ang isa sa mga suliranin sa paggamit ng alkohol na itinuturing na isang talamak na sakit na kakikitaan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak. Nagiging resulta nito ang
mga problemang pangkalusugan tulad ng pagkasira ng pag-iisip at pagkakasakit.
Ang ikatlong kabanata ay tumatalakay sa kultura ng pag-inom ng alak sa Quezon at
ang pananaw ng mga tagaroon tungkol sa paggamit ng alkohol. Sa Quezon karaniwan na ang
inuman sa mga pagdiriwang ng kaarawan, pista at binyag, gayundin sa pagsama-sama ng
magkakaibigan kahit walang okasyon. Nagiging simulain din ng inuman ang pamamanhikan
at kung may pakay sa isang tao. Sa mga kalalakihang manginginom, kadalasan ang kaibigan
at kapamilya ang nagsisilbing impluwensya sa kanila dahil ito ang karaniwan nilang
nakakasama sa inuman. Samantala ang inuman naman ay mas malimit sa sariling bahay
ginagawa.
Ang mga epekto sa indibidwal at sa lipunan naman ang paksa ng susunod na
kabanata. Sa indibidwal kasama dito ang magandang pakiramdam at pagiging aktibo ng
manginginom ngunit kaakibat din nito ang mga problemang pangkalusugan. May mga
panandaliang epekto ang alkohol tulad ng sakit ng ulo, pagkabhilo, pagkawala ng balanse, at
pagkabuhol-buhol ng pananalita. Kapag nagtagal naman ang pag-inom ng maramihan ay
maaaring mauwi sa pangmatagalang epekto nito tulad ng sakit sa puso at kanser sa atay at
bituka. Ang pag-inom ng marami, pagdepende sa alkoho, at pagiging sugapa rito ay may mga
negatibo ring epekto sa lipunan. Madalas itong kakabit ng mga sakuna tulad ng pagkahulog
at aksidente sa kalye, gayundin sa krimen, at pagkasira ng pamilya.