dc.description.abstract |
Ito ay isang pag-aaral tungkol sa mga matatandang dalaga mula sa Janopol
Oriental, Tanauan, Batangas. Sa haba ng panahong lumipas, ang mga matatandang
dalaga ay binibigyan ng negatibong pagkilala at pagturing tulad ng pagiging “mahihigpit,
masusungit, maiinggiting mga babae na galit sa mga lalaki” (Santos, 1979). Ito ay sa
dahilang ang mga matatandang dalaga ay hindi nakatugon sa atas ng lipunan sa mga
babae na mag-asawa at maging ina. Dahil dito, pinaniniwalaan na sila ay mayroong
kakulangan sa kanilang pagkatao na dahilan naman upang kabitan sila ng iba’t ibang
negatibong taguri subalit makatarungan ba ito para sa kanila?
Ang pag-aaral na ito ay ginanap upang alamin kung ano ang katayuan at pagtingin
ng ng mga taga-Janopol Oriental, Tanauan, Batangas sa mga matatandang dalaga at may
pangunahing layunin na alamin kung ano o paano ang pagkakilala sa mga matatandang
dalaga ng kanilang kapwa kung ang pagbabatayan ay ang kanilang pisikal na anyo, mga
gawain, pakikisalamuha sa kapwa at pakikisama sa kanilang pamilya.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat makakapagdulot ito ng mga bagong
kaalaman tungkol sa mga matatandang dalaga at makakapagpamulat sa mga katangian ng
mga matatandang dalaga na kadalasang ipinagwawalang-bahala dahil natatabunan ng
mga negatibong pananaw tungkol sa kanila.
Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa barangay ng Janopol Oriental, Tanauan,
Batangas kung saan ang mga taga-roon ay tinatawag na Tagalog, maging ang kultura ay kilala rin bilang kulturang Tagalog. Isang etnograpikong pag-aaral ang ginanap sa
naturang lugar kung saan ito ay ginamitan ng tatlong pamamaraan ng pagkalap ng mga
kaalaman tungkol sa mga matatandang dalaga. Anim na focus group discussions (FGD)
ang ginanap: isa para sa mga kabataang lalaki na may gulang na 16 hanggang 25, kung
saan ang kanilang katayuang pang-ekonomiko at antas ng edukasyong naabot ay hindi
binigyan ng pansin o pagpapahalaga subalit kailangang sila ay wala pang asawa;, isa para
sa mga kabataang babae na may gulang na 16 hanggang 25, kung saan ang kanilang
katayuang pang-ekonomiko at antas ng edukasyong naabot ay hindi binigyang pansin o
pagpapahalaga subalit kailangang sila ay wala pang asawa; isa para sa mga kalalakihang
may gulang na 35 hanggang 50, may asawa at anak, at ang kanilang katavuang pangekonomiko
at antas ng edukasyong naabot ay hindi binigyan ng pansin o pagpapahalaga;
isa para sa mga kababaihang may gulang na 35 hanggang 50, may asawa at anak, at ang
ang kanilang katayuang pang-ekonomiko at antas ng edukasyong naabot ay hindi
binigyang pansin o pagpapahalaga; isa para sa mga matatandang lalaki na may gulang na
51 pataas, may asawa at anak, at hindi binigyang pansin o pagpapahalaga ang kanilang
katayuang pang-ekonomiko at antas ng edukasyong naabot. at isa para sa mga
matatandang babae na may gulang na 51 pataas, may asawa at anak, at hindi binigyang
pansin o pagpapahala ang kanilang katayuang pang-ekonomiko at antas ng edukasyong
naabot, upang tukuyin kung ano at paano kinikilala ng mga tao sa naturang lugar ang mga
matatandang dalaga na ang batayan ay ang pagtingin nila o pagkilala sa mga matatandang
dalaga kung kanilang itutuon ang kanilang pansin sa panlabas na anyo, pagkilos, mga
gawain, pinagkakaabalahan o hanap-buhay, pakikisalamuha sa kapwa, pagiging mamamayan sa kanilang lugar at relasyon sa kanilang pamilya. Mayroon ring ginanap na
pakikipanayam sa ilang piling matatandang dalaga at panayam sa isang malapit na
kamag-anak ng mga matatandang dalaga. Ang mga pamamaraang ito ay sinuportahan ng
obserbasyon na napakahalaga upang matunghayan ang mga tunay na pangyayari sa
naturang lugar ng pag-aaral.
Napag-alaman sa pag-aaral na ito na halos wala pa ring pinagbago ang mga tao sa
pagilala o pagturing sa mga matatandang dalaga bilang masusungit, maiinitin ang ulo,
matampuhin at iba pa. Napag-alaman rin na marami pa rin ang ilag sa mga matatandang
dalaga sa pangambang mapagbuntunan ng kasungitan nito. Sa kasamaang palad, ito ang
nagiging hadlang upang makilala nang lubos ang mga bawat matandang dalaga sa
lipunan. |
en_US |