Abstract:
Isa sa malalang problema sa kasalukuyan ng lipunang Pilipino ay ang lugar na kanilang tinitirhan. Ito ay sapagkat hindi lahat ay may kakayahan na makapagpatayo ng kanilang sariling mga bahay; iilan lamang ang may kakayahan na gawin ito at sa huli, mayorya ang nagtititiis na mangupahan na lamang. Ito ay sa kabila ng katotohanang marami sa ating mga Pilipino sa kasalukuyan ang bumubuo sa mahirap na populasyon ng bansa; nangangahulugan na limitado ang aspeto o ang kakayahang pampinansiya ng bawat indibidwal o mag-anak. Sa huli, ang ilan sa mga kababayan nating Pilipino ang naglalakas-loob na manirahan sa mga lugar na kung tawagin ay iskwater, isang terminong ginagamit upang tumukoy sa isang komunidad ng mga taong nagsama-sama upang makapagpatayo ng mga bahay na yari lamang sa pinagdikit-dikit nak ahoy, yero, plastic at goma. Pinagtitiisan nilang manirahan sa mga lugar ng ganito dahil na rin sa ito ang pinakahuling alternatibo na kanilang nakikita upang matugunan at magsilbing solusyon ukol sa kanilang problema sa lugar na kanila matitirhan. Isang problemang marapat lamang na tugunan ng pamahalaan at maging katuwang ng mga maralitang tagalungsod gaya ng sa komunidad ng Baseco Compound sa Port Area, Manila. Ngunit sa katotohanan ay hindi ganito ang nangyayari. Bagkus, ang programang pabahay sa kasalukuyan ng pamahalaan at ng mga organisasyong kanyang nagiging katuwang ay nagsisilbi pang mekanismo upang pagkakitaan ang mga taong labos na nga’ng naghihirap. At sap ag-aaral na ito’y masusing titingnan kung nagging epektibo ng aba o hindi ang nagging proyektong pabahay sa komunidad ng Baseco.