DSpace Repository

Sa Ilalim ng Tuyong Dagat: Politiko-Ekolohikal na Pagsusuri ng Epekto ng Navotas Coastal Bay Reclamation Project sa Kabuhayan ng Masang Magtatahong

Show simple item record

dc.contributor.author Reyes, Gerra Mae R.
dc.date.accessioned 2025-08-19T23:49:19Z
dc.date.available 2025-08-19T23:49:19Z
dc.date.issued 2025-06
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3164
dc.description.abstract Sa loob ng ilang dekada, pagtatahong ang isa sa mga pangunahing industriya ng Kapital ng Pangingisda ng Pilipinas, ang Navotas. Tuwing buwan ng Marso, sa gitna ng tirik ng araw at panahon ng Kwaresma, ang mga magtatahong ay masaganang umaani ng kanilang mga produkto. Gayunpaman, Marso noong nakaraang taon, 2024, ang mga tahong na nasa tamang gulang na sana para anihin ay binunot ng mga naglalakihang “bako” (backhoe) ng San Miguel Corporation at pamahalaang lungsod ng Navotas. Ngayong taon, 2025, simot at wala nang mga tahungan ang natitira sa lungsod. Ang demolisyon ng mga tahungan ay maiuugat sa pagsisimula ng 650-ektaryang Navotas Coastal Bay Reclamation Project (NCBRP) na siyang humahantong sa tuluyang pagkawala ng kabuhayan (structural unemployment) at pagpapalit ng kabuhayan (livelihood shift). Ang mga ito ay nagpapasidhi sa penomena ng kahirapan sa tabing-dagat (coastal poverty) at precarity ng masang magtatahong. Gamit ang participatory power mapping at power analysis, sinuri ang umiiral na istruktura ng kapangyarihan sa lungsod na siyang nagpapahintulot at nagbebenepisyo sa proyektong reklamasyon. Sa lenteng politiko-ekolohikal, ang impluwensiya nito ay mababatid sa tatlong dimensyon: (1) hindi pantay na distribusyon ng costs at benefits ng reklamasyon, (2) istruktural na hindi pagkakapantay-pantay (structural inequality), at (3) hindi pantay na relasyon sa kapangyarihan (power relations). Sa pagkilala ng impluwensiya ng produkto ng komunidad, isinalokal at isinakonteksto ng pananaliksik ang epekto ng reklamasyon sa masang magtatahong. Tinukoy nito ang natatanging kaparaanan ng pamumuhay, paghahanap-buhay, at pakikibaka ng masang magtatahong na siyang matutukoy at mahihiwalay sa kaparaanan ng mga mangingisda sa kabuuan. Gayundin, bitbit ang impluwensiya ng kanilang kapaligiran at kabuhayan, ang pagbalikwas ng masang magtatahong ay matutukoy sa pormang tahimik (avoidance resistance), kontra-agos (breaking resistance), at nagpapanibagong-hubog (constructive resistance). Mula sa etimolohiya ng reklamasyon na “muli” at “pagprotesta,” ang masang magtatahong ay may natatanging porma rin ng reklamasyon ng kanilang binunot na karapatan (claim rights). en_US
dc.subject Politiko-Ekolohikal en_US
dc.subject Reklamasyon en_US
dc.subject Demolisyon en_US
dc.subject Kabuhayan en_US
dc.subject Masang Magtatahong en_US
dc.subject Coastal Poverty en_US
dc.title Sa Ilalim ng Tuyong Dagat: Politiko-Ekolohikal na Pagsusuri ng Epekto ng Navotas Coastal Bay Reclamation Project sa Kabuhayan ng Masang Magtatahong en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account