dc.description.abstract |
Ang kahirapan ay isang panlipunang suliranin na matagal ng hinahanapan ng solusyon. Isa sa mga pinakabagong stratehiya na inilunsad upang labanan ang kahirapan ay ang Conditional Cash Transfer o CCT. Nagsimula ang programang ito sa bansa sa Timog Amerika gaya ng Mexico at Brazil. Namimigay ito ng mga cash grants sa mga pinakamahihirap na pamilya kapalit ang ilang kondisyong itinakda ng pamahalaan. Ang programang ito ay patuloy na lumaganap sa iba’t ibang panig ng mundo. Maging ang Pilipinas, kung saan 27.6 milyong Pilipino ang naghihirap, ay naakit na subukan ito sa bansa. Taong 2007 ng isagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang unang implementasyon ng Conditional Cash Transfer sa bansa na pinangalanang Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Sa kasalukuyan, pinalawig ng pamahalaan ang implementasyon nito sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa pag-aaral na ito makikita ang naging epekto ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilang benepisyaryo nito sa lungsod ng Maynila. Maipapakita sa pag-aaral na ito ang pananaw ng mismong mga benepisyaryo kung nakasasapat ba ang binibigay na tulong ng pamahalaan upang maiahon sila sa kahirapan. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang mekanismo ng Pantawid Pamilya; mula noong mabuo ito hanggang sa proseso ng implementasyon nito sa bansa. |
en_US |