| dc.description.abstract |
Ayon sa tradisyon ng pagpapamana ng mga Ifugao, ang malaking bahagi ng
kayamanan at ari-arian ng isang pamilya ay napupunta sa mga nakatatandang anak,
karaniwang panganay, ikalawang anak. Ito ay nangangahulugan lamang na
karaniwang wala nang natitira o maliit na bahagi na lamang ang natitira sa mga
nakababatang anak. Ang paniniwala at tradisyong ito ay taliwas sa kasalukuyang
nakasaad sa konstitusyon ng Pilipinas na ang pagpapasa ng kayamanan ng mga
magulang ay nararapat na hatiin sa lahat ng anak. Bawat anak ay may karapatan sa
kayamanang naipundar at naitago ng isang pamilya. Dahil sa lumabas na pagkakaiba
at magkasalungat na pamamaraang ito, nilayon ng mananaliksik na maunawaan ang
diwang bumubuo sa tradisyon ng pagpapamana ng mga Ifugao. Nilayon ding
makalikom, makakuha at makapagtala hindi lamang hinggil sa tradisyon ng
pagpapamana ng mga Ifugao kundi tignan kung ano ang katayuan nito sa
kasalukuyang batas at gawi ng mga Ifugao.
Ang mananaliksik ay nangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng
pagbisita mismo sa lugar at pakikipanayam sa mga at sa pamamagitan ng
pagsasaliksik sa iba’t ibang silid-aklatan gaya ng CCP, UP, Maynila, Pambansang silidaklatan,
at iba pa. Ang paraan ng pag-aanalisa ng mga datos mula sa mga babasahin
at pakikipanayam ay sa pamamagitan ng pagkuha ng recurring themes at pattern na
bumubuo sa tradisyon.
Mula sa mga impormasyong nakalap, ang tradisyon ng pagpapamana ng mga
Ifugao ay nagtataglay ng mga katangian: Una, ang tradisyon na ito kakayahang
makiangkop iba’t ibang kaso o sitwasyon. Pangalawa, ang mga nakasanayang batas (customary laws) ay hindi absolute at rigid sa pagbibigay ng puwang ng tradisyon sa
pagdedesisyon Ng magpapamana. Pangatlo, ang tradisyon ay nagpapakita ng
pangkalahatang pananaw. Nakita ng mga Ifugao ang posibilidad na maaaring
maghirap ang isang pamilya kung ang gagawing paghahati-hati ay pantay-pantay.
Pang-apat, ang tradisyon ay may pantay-pantay na pagtingin. Pang-lima, ang tradisyon
ay makatao. Pinapahalagahan nito ang mararamdaman ng bawat isa. Pang-animn, ang
tradisyon ay pinapahalagahan ang pagkakaisa at pagmamahalan sa loob ng pamilya.
Pang-pito, ang tradisyon ay nagpapakita ng malaking paggalang sa mga ninuno ng
Ifugao. |
en_US |