Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay sinasakop ang pag-aaral sa
isang samahang panteatro ng Paete, Laguna ang Buwig. Isang
samahang hindi lamang Sining ng pagtatanghal ang
itinatampok kundi maging ang malawak na mundo ng sining.Sa
papel na ito makikita sa ang kabuang katangian ng Buwig at
tungkulin niya bilang pangkulturang samahan ngsa Paete.
Sa kabanata 1 ng papel ay inilalahad ang tungkulin sa
pagbuo ng pag-aaral.Kasama ang kahalagahan ng gagawing pagaaral
ukol sa Buwig. Ipinapakita dito ang kabuuang sakop at
pokus ng pag-aaral, ang samahan at ang kanilang pangunahing
proyekto ang headdress. Isinagawa ang ginawang pag-aaral sa
pamamagitan ng pagkalap ng mga sekundaryong materyales mula Sa iba’t-ibang ak-latan.
Sa kabanata 2 ay ipinakilala ang bayan ng Paete at ang
kasaysayan nito. Mula sa kasaysayan ng Paete nakita na ang
pag-usbong ng sining na impluwensya ng mga dayuhan na
pinagyaman ng mga Paetefio. Kung saan nagmula din ang sining
at tradisyon ng pagtatanghal saaa bayan.
Makikita at nilalaman ng kabanata 3 ang pangunahing
pokus ng pag-aaral, ang samahang Buwig.Ang pag-usbong ng
isang samahang panteatro sa bayang nadomina ng sining ng
paglililok. Ilang aspeto ng pamamahala ang ipinakita sa
kabanatang ito. Bahagi din nito ang proseso ng pagpaplano
ng samahan sa kanilang mga proyekto at gawain. Ipinakita
ito sa tahanayan 1. Ang istraktura at mga tungkulin ng
samahan ay kanilang ipinakita.
Ang kabanata 4 naman ay nilalaman ang pagsusuri sa
pamamagitan ng SWOT Analysis. Ipinakita dito ang kanilang
mga kalakasan at oportunidad na kanilang ginamit tungo sa
tagumpay ng kanilang samahan. Kasama rin ang mga kahinaan
at banta sa kanilang samahan at mga implikasyon nito. Ang
mga ito na kinakailangang bigyang pansin.
Bahagi naman ng Kabanata 5 ang pagsusuri ng mga datos
at pagbibigay ng mga ilang mungkahi ukol sa pamamahala ng
samahan. Sinuri ang mga nakalap na datos bilang bahagi ng
pag-aaral. Mula sa Kabanata 6 ang konklusyon batay sa pag-aaral
na isinagawa ng mananaliksik at ang mga pagsusuring
ginawa.Batay sa isang samahang pangkultura ang Buwig at ang
Sining na kanilang Ppinapalaganap ang headdress at bilang
pangunahing proyekto din. At mga puntong dapat bigyang pansin ng samahan.At ang pagbibigay ng ilang
maimumungkahing pag-aralan batay din sa aaral mga ginawang pag- na isang samahang panteatro.