DSpace Repository

Sanghiyang: Isang Dokumentasyon at Pagsusuri sa Katutubong Ritwal na Sayaw ng Alfonso, Cavite

Show simple item record

dc.contributor.author Calagos, Rhealyne S.
dc.date.accessioned 2025-11-26T03:54:48Z
dc.date.available 2025-11-26T03:54:48Z
dc.date.issued 2003-04
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3381
dc.description.abstract Ang Sanghiyang ay isang katutubong ritwal na sayaw ng mga taga-Alfonso Cavite na patuloy pa ring isinasagawa hanggang ngayon. Ginagawa ang ritwal na ito sa pamamagitan ng pagsasayaw sa ibabaw ng apoy o baga ng mga mananayaw at kilala rin sa tawag na “Sahiyang” o “sayaw sa apoy”. Ito ay nagsisilbing panata at pasasalamat sa buong taon na sila ay masagana at malayo sa mga sakit. Taontaon nila itong ginagawa at kung may kahilingan sila, magsayaw lamang sa apoy ay Maaaring mapahintulutan ng Diyos. Hindi ito ordinaryong sayaw lamang, dahil dito kailangan nila ng tibay ng loob at malakas na pananampalataya sa Diyos upang sila ay makaapak sa buhay na baga. Ito ay isang banal na ritwal at isang selebrasyon para sa mga espiritung hinihingan ng tulong at manipestasyon ng kanilang malalim na paniniwala. Hindi ito basta palabas lamang sa perya dahil mas malalim ang nakapaloob dito na nanggaling pa sa ninuno nila. Kakaibang tradisyon ito at kinapapalooban ng ritwal at mga pag-aalay at tinatawagan ang mga kapangyarihan na gabayan at tulungan sila sa pag-apak sa apoy. Tanging ang pananampalataya sa Diyos at mga espiritu ang pinanghahawakan at kinukuhanan ng tibay ng loob. Sa tesis na ito ay nakabuo ng isang problema na mabibigyang linaw sa pag-aanalisang gagawin: masasabi bang ang Sanghiyang ay kakikitaan ng naghalong katutubo at kristiyanong elemento? Sa tulong ng mga gabay na literatura ay magagawa ang pagsusuring ito. Ang tesis ay may pitong kabanata na may pagsasadokumento ng ritwal ganoon din ang pagsusuri sa katutubo at kristiyanong elemento sa Sanghiyang. Sa unang bahagi ay ang introduksyon ng ginawang pag-aaral na pagpapakilala sa paksa at maging ang mga gabay sa pag-aanalisa ng mga elemento batay sa literatura na makikita dito. Ito ay ang magiging batayan na makakatulong sa pag-aaral na ginawa. Sa ikalawang bahagi naman ay ipinakita ang kasaysayan at geograpiya ng lungsod ng Alfonso na kung saan dito nanggaling ang mga mananayaw ng ritwal na sayaw na ito. Sa ikatlong kabanata na pinamagatang Ang Ritwal na Sayaw ng Sanghiyang, ay ipinapakita ang kasaysayan o pinagmulan ng ritwal na sayaw na ito, mula sa mga nakapanayam na mananayaw ng Sanghiyang. Dito na mn ipinakita ang pagsasadokumento ng ritwal na sayaw sa apoy at ang mga preparasyon at seremonyang ginagawa dito. Ang mananaliksik ay nakakuha rin ng pagsusuri batay sa mga pagtatanghal na napanood sa Dayaw at Intamuros sa kasalukuyang taon. Ang pagsusuri sa mga elemento ng katutubo at kristiyano ay makikita sa ikaapat na bahagi ng tesis. Dito inisa-isa ang mga elementong nakapaloob at maging ang mga paghahalong nangyari sa pagsusuring ginawa. At sa ikalimang bahagi ay ang mga konsepto, paniniwala at pagpapahalaga ang nasasaloob sa mga mananayaw ng Sanghiyang. Ito ay mga konsepto at pagpapahalaga ng mga mananayaw batay sa interbyu na ginawa sa kanila at kung paano nila nakikita ang Sanghiyang sa kanilang perspektiba. Ang Sanghiyang ay isang napakayamang tradisyon na pinagtitibay ng paniniwala sa Diyos ng mga mananayaw nito. Ito ay isang manipestasyon ng malalim na pananampalataya ng mga ito sa Diyos at sa mga espiritung kanilang dinadasalan. Sa dahilang nanggaling pa sa kanilang mga ninuno ang ritwal na ito ay ganoon na lamang ang kanilang pagpapahalaga bilang isang katutubong tradisyon na dapat lamang pagyamanin at ipreserba. en_US
dc.subject sanghiyang en_US
dc.subject ritwal en_US
dc.subject sayaw en_US
dc.subject pananampalataya en_US
dc.subject katutubo en_US
dc.subject espiritu en_US
dc.title Sanghiyang: Isang Dokumentasyon at Pagsusuri sa Katutubong Ritwal na Sayaw ng Alfonso, Cavite en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account