| dc.description.abstract |
Bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop sa ating bansa, may sarili ng
kultura at sistem ang mga Pilipino, ang mga katutubong Pilipino, mapapulitika man ito,
kultural, sosyal at relihiyon. Ngunit dumating ang mga Kastila, na nasundan pa ng ibang
mga mananakop. Magpahanggang ngayon, hindi man tayo tahasang sakop ng mga
imperyalismong bansa, nararamdaman pa rin nating ang neokolonyalismo, lalo na ng
mga katutubo. Ang mga pagpapatayo ng iba't ibang mga pangkaunlarang proyekto,
katagang ginagamit ng gobyerno, lalo na sa mga ancestral lands o domain, ay isang
paraan ng pagpatay sa kultura at pangkabuhayan ng mga katutubo, na kanilang iniingatan
ng mahabang panahon na mula pa sa ating mga ninuno. Isang halimbawa ng mga
development projects ay ang Laiban Dam, mula sa pautang ng World Bank at Asian
Development Bank, isang malinaw na paglaking muli ng ating panlabas na utang. Bukod
pa rito, isa rin itong paraan ng pagpatay sa kultura at buhay ng ating mga ninuno sa
bahagi ng Tanay at Rizal, na tinatalakay ng thesis na ito. |
en_US |