| dc.description.abstract |
Ang kahinaan ng nee-liberal na sistema ng kapitalismo ng magdulot ng
makatarungang pamumuhay sa maraming mamamayan sa daigdig ang nagtulak ng
kasalukuyang pamamayagpag ng maraming mga maka-Kaliwang kilusan at partido
pulitikal sa larangan ng pakikibakang elektoral at parlamento sa iba't-ibang bahagi ng
daigdig gaya sa Latin Amerika, Europa at Asya. Sa Pllipinas, malaki ang kasalukuyang
epekto ng aktibo at lumalakas na pakikilahok ng pwersang Kaliwa sa elektoral na
pakikibaka di lamang upang hamunin ang dominasyon ng mga oligarkiya sa pulitika
kundi maging daluyan ng pagpapalakas ng kilusan para sa pagbabagong panlipunan.
Ang pag-aaral na ito ay magtatalakay ng mga kadahilanan at mga layunin sa
paglahok ng Pambansang Demokratikong Kaliwa sa halalan sa Pilipinas. Sa
pakikipanayam sa mga susing lider at mga personahe ng mga Kaliwa sa hanay ng
elektoral na pakikibaka, susuriin ng pag-aaral na ito ang mahalagang papel ng eleksyon
sa programa at tanaw nito sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago sa lipunan.
Bilang isang lumalakas ng pwersang pampulitika, inaasahan na ang pag-aaral na ito ay
magbibigay ng komprehensibong kaalaman at karagdagang alternatibong pananaw sa
uganayan ng pakikibakang elektoral sa pagkakamit ng tunay na demokrasya at
pagbabagong panlipunan sa perspektiba ng mga mga Kaliwang partido o kilusan. |
en_US |