Abstract:
Ang sektor manggagawa ay may mahalagang papel sa produksiyon. Sila,
kabalikat ng ating mga magsasaka, ang susi sa pagkamit ng ating pambansang
hangarin- ang magkaisa upang maitatag ang isang pambansang industriya na
siyang magsisilbi nating paraan upang makamtan ang pag-unlad. Subalit ang
banta ng pribatisasyon ay unti-unting kumikitil sa mismong sektor, maging ang
kanilang kagalingan.
Ang pag-aaral ay tatalakay sa kalagayan ng mga manggagawa sa National
Food Authority at nakapokus sa kahihinatnan ng sektor, kasama na rin ang sektor
agrikultura kung tuluyang isapribado ang ahensiya.Kasama rin dito ang ilang
rekomendasyon o tahakin na naglalayong mapagtibay ang institusyon at
manggagawa nito at sektor agrikultura na nagsasaalang-alang sa interes ng
mayorya na kinabibilangan ng manggagawa at magsasaka