| dc.description.abstract |
Maraming pagbabago ang nagaganap ngayon sa ating mundo ginagalawan. Lahat
ng mga nagaganap na ito ay may positibo at negatibong epekto. Ang tesis na ito,
pinamagatang “Ang mga Epekto ng Pagsasapribado ng MWSS sa mga Empleyado” ay
sumuri sa mga epekto ng isang pagbabago.
Ang MWSS ay isang gobyernong ahensya ng patubig sa bansa. Ito ay
naisapribado noong 1997. At gaya ng nasabi kanina, lahat ng mga pagbabago ay may
mga epekto. Nilayon ng pag-aaral na ito na makita kung ano ang mga naging positibo,
lalo na ang mga negatibong naging epekto ng pagsasapribadong naganap.
Mahalaga ang pag-aaral na ito upang, una, Makita ang mga masasamang naging
epekto ng pagsasapribado sa mga tao, pangalawa, upang maiwasan ang mga darating
pang mga hakbangin kung sakali mang mas maraming negatibong epekto nito. |
en_US |