| dc.description.abstract |
Ang pagsasapribado ng National Power Corporation (NPC) ay tunay nga
namang nakakaalarma. Bilang pinakamalaking proyekto ng pribatisasyon sa bansa,
nagdulot ito ng malaking problema sa mga mamamayan, lalo na sa mga empleyado na
direktang apektado sa prosesong ito. Mula pa man sa umpisa, walang piano ang
gobyerno natin na ikontrol ang buong industriya ng enerhiya, sa kabila ng kahalagahang
sosyal nito bilang isang public utility.
Nang maitatag ang NPC noong 1936, ang tanging papel lamang nito ay
mangasiwa at magtransmit ng mga katutubong pinagkukunan ng enerhiya (indigenous
sources of energy). Ngunit nasa kamay na ng pribadong sektor ang pamamahagi nito
mula pa man sa simula. At sa kasalukuyan, naging matagumpay ang pribadong sektor
sa pagkontrol ng kabuuan ng sektor ng enerhiya. Bago pa man ang reorganisasyon ng
NPC, marami nang mga GOCCs ang napapasailalim sa pribatisasyon. Ngunit
nakakalungkot mang isipin, hindi natuto o nag-alinlangan man lang ang gobyerno sa
patuloy na pagsasakatuparan nito.
Tunay na hindi mabuti para sa mga tao ang pribatisasyon. Hindi garantiya ito
upang mapaganda ang serbisyo na ibinibigay sa mga tao; bagkus, mataas na singil at
diskriminasyon ang dulot nito. Nagreresulta rin ito sa pagkalugi at pagkakabaon sa
utang ng gobyemo sa mga dayuhang pinansyal na institusyon (IMF-WB). Ang mga
pampublikong serbisyo na dapat na tinatamasa ng mga mamamayan ng libre ay malayo
nang mangyari dahil lahat ngayon ay binabayaran na - ng mahal. At hindi rin dapat
kalimutan na ang una at direktang naaapektuhan dito ay ang mga manggagawa na
malawakang tinatanggal sa trabaho, binibigyan ng mababang pasahod, pinagkakaitan ng mga benepisyo at sinisikil ang karapatang magbuo at sumali sa mga unyon. Sa madaling
salita, wala silang kaseguruhan sa paggawa.
Ang papel na ito ay naglalayong malaman ang opinyon ng mga manggagawa ng
NPC hinggil sa rekonstruksyon ng kompanya bilang paghahanda sa pribatisasyon at
malaman ang tunay na kalagayan ng polisiyang ito sa kanila base sa interbyu at survey
na ginawa. Tunay na sa mga kapitalista at dayuhan lamang pumapabor ito at tayong
mga mamamayan ang nagpapasan sa lahat ng mga negatibong epekto nito. |
en_US |