Abstract:
Ang ginawang pag-aaral ay tumutuon sap ag-buo at pag-susuri ng pormula sa genre na aksyon sa Tagalog komiks upang mapalitaw ang natatagong ganum sa ganitong uri ng teksto. Upang magawa ito hinana ng pag-aaral ang mga sumusunod: mga conventions ng particular na teksto na kabilang sa genre na aksyon, mga karaniwang umuulit na functions sa limang sinuring akda, ang pormula nito, mga ipinapangakong ibibigay o gratification ng teksto sa mambabasa at mga bagay na ipinapalagay ng teksto sa kanyang mambabasa, tulad halimbawa ng ano ang kanyang mga ipinalalagay na pagpapahalaga at kanyang nakaraang kaalaman (cultural capital) tungkol sa nasabing genre. Nagawa ang mga nabanggit sa pamamagitan ng sumusunod na metodolohiya ng paglalapat ng pag-aaral sa mga formulaic na element, sequential development (syntagmatic analysis) at paradigmatic na pagsusuri sa limang kumpletong kwentong de serye mula sa Aguila Komiks at Commander Komiks. Ang nasabing dalawang titulo ang siyang ekslusibong nagdadala ng mga akdang aksyon sa mga inilalathalang komiks ng Solid Gold Publishing o ang dating Graphic Arts Studio, Inc. (GASI), Ang koleksiyon nila ay tumigil sa taong 1990 kaya pumili ang mananaliksik, nang paatras, ng komiks hanggang sa taong 1986.
Ang pag-aaral na ito ay umaasang makapagdagdag, sa sariling sampling paraan, ng kaalaman sap ag-aaral ng kulturang popular sa kabuuan, at makapagpalawig sa paksa ng kritisismong pang genre, lalo na sa Tagalog aksyon komiks sa particular. Maari rin makatulong ang pag-aaral na ito hindi lang sa
mga gumagawa ng komiks bilang kritiko sa kanilang mga akda Kundi pati na rin sa mga mambabasa upang maitaas pa ang kanilang kamalayaan sa pagiging mas kritikal sa mga naratibong popular.
Ayon sa pag-aaral ay makikita mula sa mga generic rules na ito o pormula ng genre ng aksyon ang mga “interests and attitudes” ng kultur ana gumagawa at tumatangkilik nito kahit hindi man ito sinasadya. Habang nare-“reinforce” ang mga generic rules, kasama din sa prosesong ito ang mga dominanteng kaisipan, interes at aktitud na napapaloob dito sa pamamagitan ng pagpapauli-ulit o pag-alingawngaw ng mga ito sa iba pang particular na teksto na kabilang sa parehong genre.
Ngunit mahalagang mabanggit na nakikitang ang mga conventions sa komiks ay maari ding magbago pati na rin sa kanilang mga pakakahulugan ayon a panahon dulot ng paggamit dito ng mambabasa ayon sa kanyang pangangailangan. Mula sa negosasyong nagaganap ay naisisiwalat din ang kahinaan hegemoniya bilang pagiging depende nito sa consensus. Samakatwid, dahil sa negasasyon ay meron pa rin naming espasuo kung saan maaaring makagawa bagong pagpapakahulugan at paggamit na iba sa “intended use” ng ruling bloc. Ayon nga kay Fiske ang mga tekstong popular ay may katangian na “potentially, and often actually progressive (though not radical), and it is essentially optimistic, for it finds in the vigour and vitality of the people evidence both of the possibility of social change and of the motivation to drive it (Storey:1997).”