Abstract:
Ang tesis na i to ay may layuning masagot ang
katanungang " Ao nga· ba ang tradisyong llul tong sa Banaue,
Ifugao? Sekundaryong suliranin ang katanungang, "Buhay pa
ba ito sa kasalukuyang panahon?"
Ang mga katanungang ito ay nasagot sa pamamagitan ng
mga hakbang na isinagawa ng mananaliksik. Una sa lahat ang
pagpunta sa Banaue at sa mga ilang barangay nito upang
kapanayamin ang mga matatandang may alam sa tradisyon.
Nakatulong din ang panayam sa mga kawani ng pamahalaan
partikular na ang NCIP Lagawe at NCIP sa Quezon City, o ang
National Commission on Indigenous People. Mas naunawaan pa
din ang konseptong ito nang magkaroon ng re-enacment ni to
sa Bangaan Village, Ifugao. Dahil dito, naobserbahan ng
mananaliksik ang buong paraan ng pagsasagawa ng tradisyon.
Hindi rin maikakaila ang malaking tulong ng pagsasaliksik
sa mga silid-aklatan kung saan may nakuha pang mga datos
ukol sa tradisyong ito.
Sa pagtatapos ng pag-aaral, napag-alamang ang bul tong
ay isang ritwal na binubuo ng materyal at di-materyal na
elemento. Ito ay mai tuturing ding sagrado at hindi bast a
bas ta ang pagsasagawa. Ang materyal na elemento ng
pakikipagbuno sa katunggali bilang pagpapakita ng lakas ng
kalalakihan sa Ifugao at bilang paraan ng pagsasaayos ng
usapin sa lupa, ang pagsigaw bago lumusob sa katunggali,
ang canao na isinasagawa bago ang bultong na kinapapalooban
naman ng pagkatay sa isang alay tulad ng manok na
nagsisimbolo ng offering sa mga diyos na siya ding
pinagbabasehan ng kapalaran ng kalahok sa pamamagi tan ng
pagsusuri sa bile o apdo nito, ang canao pa din matapos ang
bultong at ang hid.it o peace pact ng magkabilang panig. Ang di-materyal na elementong naki ta ay ang myth na
pinagmula nito; ang tradisyon ng pagsasagawa nito na
pinamumunuan ng mga elders; ang oral na tradisyon na
ipinasa ng mga matatancla sa Ifugao partikular na ang mga
mumbaki; ang debosyon sa mga diyos at ninuno na nakikita sa
panalangin sa cafiao; ang demand nito o pangangailangan sa
pagsasagawa ni to kung saan may kinalaman sa usaping
pagmamay-ari ng lupa.
Ang bultong sa kasalukuyan ay bahagi ng Imbayah
Festival kung saan ito ay isang sports contest na
nilalahukan ng iba't ibang barangay sa Banaue. Ito ang
paraan ng pag-alala sa mga traclisyong Ifugao. Samakatuwicl
ang bultong ay buhay na lamang sa alaala ng mga tao sa
pamamagitan ng Imbayah. Ang festival na ito na ginaganap
kacla taon ang nagsisilbing tagapagpasigla sa traclisyon.
Nagsimula ang
nagpapatuloy pa
panahong ito ay
Imbayah sa Banaue noong taong 1979 at
rin hanggang
ang pagsasagawa
ngayon. Kasabay sa
din nito sa iba' t
mga
ibang
barangay sa Banaue bilang traclisyon sa pagsasaayos ng mga
s igalot sa 1 upa. Sa katunayan, may nai talang record ang
NCIP Lagawe ng totoong kaso nito sa pagitan ng dalawang
pamilya noong taong 2000. Nangangahulugan itong ang bultong
bilang ritwal ay may pinipiling panahon sa pagsasagawa. Ito
ay maituturing na seasonal lamang kung gawin. Isa ito sa
mga salik na nakaapekto sa survival ng traktisyon. Mayroon na
rin makabago at mas mabilis na paraan ng pag-aayos ng
usapin sa lupa ngayon. Nariyan ang korte, abogado at mga
pag-uusap na iclinaclaan na lamang sa papel o dokumento.
Maaaring mas pinipili na lang sa ngayon ng mga katutubo sa
Banaue at sa iba pang bahagi ng Ifugao ang mas mabilis at
tiyak na pagsasaayos ng lupa. Ito ay sa papel na lamang o dokumento.