| dc.description.abstract |
Ang "Kalibo Santo Nino Ati-atihan: Ang Mga Pagbabago sa Pagdiriwang sa
Loob ng I 990 Hanggang 2007'' ay naglalayong malaman ang mga pagbabago du lot ng
panahon. Sa pagdiriwang na ito hinanap ang mga pagbabago sa pagdiriwang simula ng
taong 1990 hanggang 2007. Layunin din ng pag-aaral na ito na malaman kung masama o
maganda ang epekto ng pagbabago sa pagdiriwang.
Ang metodolihiyang ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagsusuri sa mga aklat,
maga,ine, inilahad sa internet, larawan at listahan ng mga krimen. Nagbigay din ng mga
katanungan sa nag-oorganisa ng pista, mamamayan ng Kalibo, pari at mga pulis sa
Kalibo. Sinuri ang mga datos na nakuha ng mananaliksik at nakakuha siya ng kasagutan
sa kanyang suliranin.
Ang mga pagbabagong nakita ng mga pangunahing impormante ay ang
sumusunod: una ay pagdami ng mga aktibidades sa pagdiriwang dahil sa Kalibo Atiatihan
Management Board katulad ng mga Kainan sa Plaza, pinahabang sayawan sa
Magsaysay Park at paligsahan sa kostyum, pangalawa ay magastos sa mamamayan ng
Kalibo at karatig lugar, pangtatlo ay sayawan o sadsad sa daan ay sinasabayan na ng
lantarang inuman, pang-apat ay ang Magsaysay Park ay naging lugar na ng !aha! na
aktibidades na pang-gabi katulad ng "bayle" o sayawan, panglima ay pagbabago sa mga
tawag ng mga aktibidades katulad ng Kalibo Santo Nii\o Ati-atihan na dati ay Kalibo Atiatihan,
pang-anim ay pagsali ng mga taga-ibang lugar sa paligsahan ng kostyum. |
en_US |