Abstract:
Ang Krus na Ligas ay isang pamayanan na matatagpuan sa
Diliman sa Lungsod ng Quezon at kabilang sa ikaapat na distrito. Layunin ng
pag-aaral na ito na ilarawan ang pamayanan ng Krus na Ligas sa pamamagitan
ng sining at kultura na makiikita dito. Sa pamamagitan ng sining at kultura ay
malalaman din kung anu-ano ba ang isinasaalang-alang na 'mutya' sa lugar na
ito. Aalamin ng mananaliksik kung paano nagkaroon ng kontribusyon ang mga
'mutyang' ito sa paglalarawan ng pamayanang ito.
Ang pag-aaral na ito ay may limang bahagi. Tatalakayin ng unang
bahagi ang mga sangkap na makakatulong upang maabot ang layunin ng pagaaral
na ito. Ang ikalawang bahagi ang maglalarawan ng mga katangian ng
pamayanan: lokasyon, topograpiya, klima, populasyon. Sa ikatlong bahagi,
malalaman ang mga kulturang diwa at materyal na makikita sa pamayanang ito.
lsinalaysay sa bahaging ito ang makulay na kasaysayan ng Krus na Ligas at
bakit ito kinilalang isang makasaysayang lugar. Malalaman din dito ang
kadahilanan kung bakit lumiit ng lumiit ang lupaing sakop ng Krus na Ligas.
Kasama na rin dito ang alamat na nagpapaliwanag kung bakit pinangalanang
Krus na Ligas ang lugar na ito. Sa bahagi ding ito mailalarawan ang mga 'mutya'
ng pamayanan. Ang mga mutyang nakapaloob sa pamayanang ito ay ang
Parokya Simbahan ng Krus na Ligas na masasabing saksi sa kasaysayan ng
Krus na Ligas, ang Kabukiran na masasabing tanging-yaman na natitira lalunglalo
na sa mga magsasaka doon, at ang mga pagdiriwang, na sa paglipas ng
panahon ay napakalaki ng ipinagbago. llalarawan sa ikaapat na bahagi ang
pamayanan ng Krus na Ligas sa pamamagitan ng pagsusuri na ginagamitan ng
konsepto ng 'mutya': bilang isang diwa at materyal. Sa mga mutya na nasabi sa
ikatlong bahagi, masasalamin dito ang mga pagbabagong naganap at
malalaman kung anu-ano na ba ang binibigyang-halaga ng pamayanang ito sa
kasalukuyang panahon. Noon, ang mutyang pinakabinibigyan nila ng halaga ay
ang diwa ng pagkakaisa. Ngunit, sa paglipas ng panahon ito ay napalitan ng
pagsasarili o ng pagkakanya-kanya. Nangyari ito dahil ang tradisyunal na
gawain ay napalitan ng makabagong pamamaraan. lsang naging salik pa dito ay
ang pagkakaroon ng karunungan na para sa mga matatanda doon ay
nakakasama kapag nasobrahan.
Ang maaaring maipagmamalaki ng Krus na Ligas magpahanggang
ngayon ay ang pagiging larawan pa rin ng isang probinsya. Sinuman ang
maligaw sa lugar na ito ay madarama ang pagiging probinsya ng lugar na ito.