Abstract:
Sa loob ng mahigit na tatlumpung taon, ang Philippine Educational Theater
Association o PETA ay nagtiis ng paglipat lipat na lugar ng kanilang tanggapan,
tanghalan at paaralan. Noong Oktubre 2005, ang Theater Center ay pormal na itinatag
upang maging permanenteng tahanan ng PET A na siyang pagsasakatuparan ng kanilang
matagal nang pangarap na magkaroon ng sariling lugar na pagdarausan ng kanilang mga
pagtatanghal at paaralan.
Mula sa Rajah Solayman Theater sa Fort Santiago ang PETA ay nanuluyan sa
Quezon City sa bagong PET A Theater Center. Sa unang tingin marami ang hahanga sa
makabagong istraktura ng gusali ng Theater Center. Ang disenyo ng gusali na gawa ng
Leandro V. Locsin and Partners ay kaiba sa kumbensyunal na tanghalan, ang modernong
gusali ay nagpapakita lamang ng pagiging bersatil ng PET A sa mga pagbabagong
nagaganap sa lipunan nito. Ngunit hindi natin dapat ituon ang ating pansin sa pisikal na
aspeto ng tanghalan, dahil kung para sa atin, ito ay isa lamang katangi - tanging lugar ng
tanghalan, para sa mga taga-PET A, ito ay kanilang tahanan.
Mababakas sa mga damdamin ng mga miyembro ng PETA ang lubes na
kasiyahan sa pagkakaroon ng sariling tanghalan, lahat ay ganado at nais magbigay ng
kanilang tulong sa pagpapaunlad ng buong organisasyon. Bagamat iisa ang damdamin
ng lahat sa pagkakaroon ng Theater Center, magkakaiba pa rin ang pananaw ng bawat
miyembro ukol sa kahulugan at kahalagahan nito. Ang magkakaibang pananav.,. na ito
ang magiging susi sa pagbuo ng apat na haligi ng PET A sa pagpapaunlad ng kanilang
adhikain.