DSpace Repository

Ang Panunuluyan: Ang Theater Center ng Philippine Educational Theater Association

Show simple item record

dc.contributor.author Orillaza, Aaron Gil S.
dc.date.accessioned 2026-06-28T23:26:25Z
dc.date.available 2026-06-28T23:26:25Z
dc.date.issued 2006-04
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3762
dc.description.abstract Sa loob ng mahigit na tatlumpung taon, ang Philippine Educational Theater Association o PETA ay nagtiis ng paglipat lipat na lugar ng kanilang tanggapan, tanghalan at paaralan. Noong Oktubre 2005, ang Theater Center ay pormal na itinatag upang maging permanenteng tahanan ng PET A na siyang pagsasakatuparan ng kanilang matagal nang pangarap na magkaroon ng sariling lugar na pagdarausan ng kanilang mga pagtatanghal at paaralan. Mula sa Rajah Solayman Theater sa Fort Santiago ang PETA ay nanuluyan sa Quezon City sa bagong PET A Theater Center. Sa unang tingin marami ang hahanga sa makabagong istraktura ng gusali ng Theater Center. Ang disenyo ng gusali na gawa ng Leandro V. Locsin and Partners ay kaiba sa kumbensyunal na tanghalan, ang modernong gusali ay nagpapakita lamang ng pagiging bersatil ng PET A sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan nito. Ngunit hindi natin dapat ituon ang ating pansin sa pisikal na aspeto ng tanghalan, dahil kung para sa atin, ito ay isa lamang katangi - tanging lugar ng tanghalan, para sa mga taga-PET A, ito ay kanilang tahanan. Mababakas sa mga damdamin ng mga miyembro ng PETA ang lubes na kasiyahan sa pagkakaroon ng sariling tanghalan, lahat ay ganado at nais magbigay ng kanilang tulong sa pagpapaunlad ng buong organisasyon. Bagamat iisa ang damdamin ng lahat sa pagkakaroon ng Theater Center, magkakaiba pa rin ang pananaw ng bawat miyembro ukol sa kahulugan at kahalagahan nito. Ang magkakaibang pananav.,. na ito ang magiging susi sa pagbuo ng apat na haligi ng PET A sa pagpapaunlad ng kanilang adhikain. en_US
dc.subject theater center en_US
dc.subject Philippine Educational Theater Association (PETA) en_US
dc.subject tanghalan en_US
dc.subject istraktura en_US
dc.subject panunuluyan en_US
dc.subject adhikain en_US
dc.title Ang Panunuluyan: Ang Theater Center ng Philippine Educational Theater Association en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account