| dc.description.abstract |
Isang di matatawarang pangyayari sa kasaysayan ng paggawa sa Pilipinas ang
maramihang pag-alis ng ating mga propesyunal o yaong may matataas na antas ng
kagalingan at kasanayan na mga manggagawa upang gamitin ang mga kasanayan at
kagalingang ito sa Iabas ng bansa kapalit ng mas kaaya-ayang kondisyon doon ('brain
drain').
Sa ganito, nagmg makabuluhan ang pagtalakay sa mga posibleng epekto ng
napipintong pagkaubos na ito ng mga propesyunal na manggagawang Pilipino, Ialung-lalo na
sa sektor ng kalusugan na higit na nakararamdam sa kaganapang ito. Upang matukoy ang
mga epektong ito ng brain drain sa nasabing sektor, nagsagawa ng pananaliksik ang may
akda sa tatlo sa mga pangunahing institusyong pangkalusugan sa kalakhang Maynila: San
Lazaro Hospital, Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center at Ospital ng Maynila Ang
pananaliksik na ito ay naging epektibo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey sa mga
manggagawa sa mga nabanggit na institusyon, pakikipanayam sa ilang mga indibidwal at
pag-aaral o pagsusuri sa mga kaugnay na pananaliksik na naitala
Mula sa mga nakalap na impormasyon, napagtanto na patuloy na pinalalala ng 'brain
drain' ang kalunos-lunos na kalagayan ng serbisyong pangkalusugan sa bansa Ilan sa mga
epektong natukoy sa pag-aaral na ito ang pagkawala ng de-kalidad na serbisyo ng mga
institusyong pangkalusugan dahil ang kanilang organisasyon ay pinupunan na lamang ng
mga baguhan pa lang sa propesyon at kulang pa sa kasanayan; pinupunan ng mga baguhan
subalit kulang na kulang pa rin sa mga tauhan; kulang na kulang sa mga tauhan kaya
maraming pasyente ang hindi nabibigyan agad ng kaukulang tunas na ikinamamatay pa ng
ilan. |
en_US |