Abstract:
Ang 'bati' o Sayaw ng Pagbati ay isang sayaw ng pagsalubong sa
Panginoong Hesukristo. Sinasalamin nito ang kasiyahan at kagalakan ng mga tao
na nabuhay ng muli si Hesus. lsang kinaugaling tradisyon ito sa bayan ng
Parariaque na dinaraos tuwing Semana Santa. lsang bahagi ito sa pagdaraos ng
Salubong na hanggang sa ngayon ay lubos na tinatangkilik ng mga Paraquenos.
lsisnasagawa ito sa apat na baranggay tulad ng Sto. Nino, San Dionisio, Don Galo
at La Huerta.
Sa pag-aaral na ito layunin ng mananaliksik na tukuyin ang pangyayari sa
buhay ng Hesukristo kung saan nakabatay ang pagdiriwang ng Sayaw ng Pagbati.
Pangalawa, mailarawan ang hakbang ng Bati at suriin kung may sinisimbolo ang
ilang mga hakbang. Pangatlo, ay isa-isahin ang mga saloobin at pananaw ng ilang
mga mananayaw at ma-iugnay ang kanilang mga pananaw sa tatlong aspeto na
ilalarawan at sa gayon ay masuri kung ano ang kahalagahan at kahulugan ng Bati
para sa mga Paraqueno. At pang-apat ay mabigyang linaw ang konsepto ng Bati
para sa Paraquerio kumpara sa mga artikulo o akdang nailimbag na ukol dito.
Nalaman sa pagsusuri na ginawa na ang Bati ay isa lamang sa pamamaran
ng mga Katolikong Paraquerio upang ipagdiwang ang muling pagkabuhay ng
Panginoong Hesukristo. Sa pagdiriwang na ito iniaalay ng buong komunidad ang
k.anilang mga panalangin at pagpapasalamat sa Panginoong Hesukristo. Ang ilang
mga hakbang ng sayaw ay nagpapakita ng pagbibigay importansya sa mga
sinisimbolo ng mga imaheng sinasayawan. Sa sayaw rin na ito naipakita ang
pagtatagumpay ng Panginoong Hesukristo sa kamatayan. Litaw na litaw sa Sayaw
ng Pagbati ang paniniwalang pangrelihiyon ng mga Paraquerio. Makikita ang
kanilang paniniwala sa Panginoon bilang espiritu na magliligtas at dudulog sa
k.anilang mga pabor at panalangin.
Sa pakikipanayam ng mananaliksik sa mga taga-La Huerta, Don Galo at Sto.
Nino, napag-alaaman na iba ang kanilang konsepto ng Bati sa nailimbag na
kahulugan na binigay ni Francisca Reyes Aquino, isang National Artist para sa
Sayaw. Sa pangkalahatan, malalagom ang kanilang mga sagot sa tatlong aspeto:
tinutukoy nila ang Bati bilang isang pista, ritwal, at panata/debosyon. Ito ay
matutukoy na isang pista sapagkat maliban sa relihiyoso ang kabuuan at layon ng
pagdiriwang na ito, kailangan ang partisipasyon. ng buong komunidad upang
maisakatuparan ang tunay na layunin ng pagdiriwang. lto'y sinasabing isang ritwal
sapagkat layon nito ang palubagin ang loob ng Panginoong Hesikristo. Bilang isang
panata, binibigyan kahalagahan ang pagsasakripisyo na nadarama ng mga batang
nagsasayaw upang mabigyang pasasalamat o humiling ng pabor sa Diyos na kanilang sinasamaba, ganon na rin ang mga kahilingan at panalangin ng naging
kasapi sa pag-oorganisa at mga nakiki-isa sa pagdiriwang na ito. Naniniwala ang
mananaliksik na ang pakikilahok ng mga Paraqueno sa Sayaw ng Pagbati ay dahil
sa udyok ng kanilang espiritu o kaluluwa. Ang pakikiisa nila ay hindi
lamang upang
magsakripisyo bilang pag-aalay at pasasalamat kay Hesus. Higit sa lahat, ipakita
ang kanilang matinding kasiyahan, paniniwala at pananampalataya sa muling
nabuhay na Hesukristo.