DSpace Repository

Ang Kuweba Mistika ng Antipolo Ayon sa Mga Kuwento at Paniniwala

Show simple item record

dc.contributor.author De Leon, Corazon R.
dc.date.accessioned 2026-07-14T00:51:48Z
dc.date.available 2026-07-14T00:51:48Z
dc.date.issued 2000-03-24
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3796
dc.description.abstract Ang Kuweba Mistika na matatagpuan sa Lungsod ng Antipolo ayon sa mga kuwento at paniniwala ay itinuturing na isang banal na lugar dahil sa lugar na ito gumagaling ang mga maysakit, natutupad ang mga kahilingan at nagagamot maging ang pagkatao ng isang tao bukod pa sa ang mga santo ay gawa ng kalikasan. Dahil ang kabanalan ng kuweba ayon sa mga kuwento at paniniwala ukol dito, mahalagang maisadokumento ito at masuri upang malaman ang dahilan kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay isinasabuhay pa rin ang mga ito. Isa pa, upang maiugnay ito sa iba pang lugar sa Pilipinas na may katulad na paniniwala. Sa kabilang banda, ang Lungsod ng Antipolo kung saan matatagpuan ang Kuweba Mistika ay tuwina nang dinadayo ng mga tao dahil sa tanyag na imahen nitong Nuestra Senora de/a Paz Y Buenviaje gayundin dahil sa mga atraksiyon nito tulad ng Hinulugang Taktak at mga paliguan. Ang lungsod ay maburol at mabundok dahilan kung bakit maraming natural na atraksiyon tulad ng Kuweba Mistika. Natuklasan ang kuweba noong 1970 at mula noon ay dinayo na ng iba't ibang uri ng tao na may iba't ibang sadya - may sakit, may problema, may kahilingan o upang mamasyal. Ang kuwebang ito ay nagtataglay ng mga paniniwala isinasagawa ng mga tao tulad ng pagdaan sa mga puwesto at pagdarasal sa mga ito. Kabilang sa mga puwestong ito ay ang Hagdanang-subukan, Tanggalan ng mga Malas, Krus na lbinilin. Sa loob naman ng kuweba ay mayroong makiitang hindi mabilang na mga imahen na may kaakibat na paniniwala. Bawat isa sa mga ito ay ipinalalagay na may kapangyarihang makagaling o kung may kahilingan man, basta tapat ang pagsamo ay pinaniniwalaang matutupad. llan sa mga puwesto ng mga santo o imaheng ito ay ang Pieta, Banal na Pamilya, wishing well, wishing heart, wedding bell, Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos espirito Santo, Birheng Maria, Moses, Lazaro, gayundin may mga pigura ng tupa, agila, ahas at kamelyo. Makikita rin sa loob ang tila replika ng Bethlehem, Nazareth at Arko ni Noe. Kabilang sa bahagi ng kuweba na nagpapamalas ng kapangyarihang makapagpagaling ay ang tubig na tumutulo sa mga pormasyon ng stalactites na tinatawag na tubig-mistiko. Bukod dito, mayroon pang bato tulad ng bloodstone na tumutugon sa katangian ng pagiging anting-anting dahil bukod sa kapangyarihang makagaling din ay ginagamit ito bilang proteksiyon sa mga sakuna at maaari ring gamitin sa negosyo. Ang kandila ng mga puso naman kung iuuwi upang itirik sa mga altar ay pinaniniwalaang makapagpapatibay ng pagsasama ng mag-asawa. Labing-apat ang kabuuang bilang ng mga kuwentong nakalap mula sa mga taong naninirahan at nagbabantay dito gayundin mula sa mga taong dumadayo dito sa pag-asang makapagtamo ng bahagi ng kapangyarihan nito sa pamamagitan ng paggaling ng kanilang mga sakit, paglutas ng kanilang mga problema at pagtatamo ng mga hinihiling. llan sa mga kuwento ay nagsalaysay ng mga himalang nasaksihan at naranasan nila sa pagpasok sa loob ng kuweba. Dahil sa kapangyarihan ng kuweba na makapagpagaling, iba't ibang paniniwala ang isinasabuhay ng mga tao tulad ng pag-aalay na tinatawag na paghahain at pagsasakripisyo sa pamamagitan g pag-akyat sa itaas ng bundok na nakasasakop dito kung saan matatagpuan ang krus. Ang mga paniniwalang sa kuweba gumagaling ang mga sakit at naririnig ang mahiwagang bases; sa bato bilang pantanggal ng sakit at bilang proteksiyon; sa pag-aalay upang humingi ng pabor at makipaglapit sa pinananampalatayaan at pag-akyat sa mataas na hagdanan at batuhan bilang isang paraan ng pagsasakripisyo ay pawang nakaugat sa lumang paniniwala ng mga Pilipino na animismo. Kahit pa pumasok ang relihiyong Katoliko, ang paniniwalang ito ay nagpatuloy at humalo sa bagong relihiyon. Masasabi ding ang paniniwala sa kalikasan tulad ng kuweba bilang isang lugar na itinakda o pinagpala ay repleksiyon ng ating mga sarili - ng ating paniniwala at pananampalataya. Mahalaga ang pagsasadokumento ng mga kuwento at paniniwala hindi lamang para sa kasalukuyan kundi sa susunod pang henerasyon dahil ito ang magbubukas ng kanilang pag-iisip sa pagpapahalaga sa kalikasan at magbibigay din ng impormasyon ukol sa matandang paniniwala ng mga Pilipino na nagpatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan sa pamamagitan ng Kuweba Mistika. Mahalaga din ang pag-aaral dahil nagpapakita ito ng kakaibang lapit sa sining na kalimitang inaakala na yaong mga bagay na nakikita lamang. lnilahad dito na ang Kuweba Mistika ay hindi ginawa ng tao at walang likha ng tao na makikita dito. Subalit hindi nangangahulugan na walang sining dito. Dahil ang mga paniniwala at kuwento ukol dito ay buhat sa mga tao; hinabi at nilinang ng mga tao, masasabing anyong sining na ito. Nagpapahayag ang mga ito ng diwa o kulturang matatagpuan din sa mga sinaunang Pilipino. Mahalagang mabigyang-pansin at maunawaan ang mga ito dahil isang hakbang ito sa pagsasakatutubo ng konsepto ng sining. Sa ganito ding pamamaraan, mas higit na mapahahalagahan ng mga tao ang lahat ng bagay sa paligid nila bilang bahagi ng kulturang kailangan nilang linangin. en_US
dc.subject kuweba en_US
dc.subject mistika en_US
dc.subject paniniwala en_US
dc.subject kapangyarihan en_US
dc.subject pagsasakripisyo en_US
dc.subject himala en_US
dc.title Ang Kuweba Mistika ng Antipolo Ayon sa Mga Kuwento at Paniniwala en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account