dc.description.abstract |
Ang pagtaas ng antas ng pangangailangan para sa suplay ng non-renewable resources gaya na lamang ng mga metaliko at di-metalikong mineral ay siyang naghudyat sa pagpapalawig ng mga malalaking operasyon ng mga minahan upang matugunan ang pangangailangan sa nabanggit na likas yaman. Ang pag-usbong ng probinsiya ng Zambales bilang mining capital ng bansa, dahil na sa angkin nitong malaking bilang ng reserba ng chromite at nickel, na siya namang pangunahing ginagamit sa iba’t ibang pandaigdigang industriya, ang naghikayat sa mga kompanya ng pagmimina at dayuhang korporasyon na dito mamuhunan. Matatagpuan ang konsentrasyon ng mga Sa kabila ng patuloy na paglaki at paglago ng industriya ng pagmimina ayon sa gobyerno, taliwas naman ang naging epekto nito sa kabuhayan, empleyo, kalusugan at kapaligiran sa komunidad. |
en_US |