Abstract:
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang pagpapatupad ng Hanjin Heavy Industries and Construction (HHIC) sa labor standards ng Pilipinas partikular na sa mga alituntuni n sa kaligtasan at kalusugan sa industriya ng shipbuilding at ship repair. Ang industriya ng shipbuilding at ship repair ay mayroong mga trabahong nagbibigay ng malaking panganib o peligro sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa nito. Sa unang bahagi ay ini lagay ang mga alituntunin ng DOLE at ILO ukol sa industri ya ng SB-SR na kailangang sundi n ng bawat kompanyang kabilang sa nasabi ng industriya. Sa pamamagitan ng impormasyon sa iba't ibang artikulo at libro, sarbey sa mga manggagawa ng Hanjin, at mga panayam sa mga opisyales ng SBMA, Hanjin, at BWC, nakakalap ng datos at impormasyong magpapakita sa mga alituntuning nasusunod at di-nasusunod ng kompanya. Bilang konklusyon, napag-alamang higit pa ri n ang mga alituntuning di nasusunod sa mga alituntuni ng nasusunod ukol sa kalusugan at kaligtasan sa paggawa. Ang mananaliksik ay umaasang mapapaunlad ang kalagayan ng mga manggagawa sa industiyang ito sa pamamagitan ng mas maayos na pagpapatupad ng mga alituntuni n sa lokal, nasyonal, at internasyonal na lebel.