DSpace Repository

Isang kritikal na pag-aaral ukol sa epekto ng malawakang pagpapalit-gamit ng lupa sa kita at pang-ekonomikong kasiguruhan ng mga pesante sa barangay Santiago ng General Trias, Cavite

Show simple item record

dc.contributor.author Reyes, Kaye Melody M.
dc.date.accessioned 2016-03-16T06:47:51Z
dc.date.available 2016-03-16T06:47:51Z
dc.date.issued 2014-04
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/398
dc.description.abstract Hanggang sa kasalukuyan, laganap pa rin ang mga pagpapalit-gamit ng lupa sa Pilipinas at isa ang probinsya ng Cavite sa dumadanas nito. Bagamat mayroon nang mga pag-aaral ang nagawa ukol sa pagpapalit-gamit ng lupa sa ibang bahagi ng Cavite, napag-iiwanan ang munisipalidad ng General Trias pagdating sa usaping ito. Tiningnan ng pag-aaral na ito ang epekto ng pagpapalit-gamit ng lupa sa General Trias partikular na sa barangay Santiago. Upang malaman ang mga epekto ng pagpapalit-gamit ng lupa, gumamit ng sariling questionnaire ang mananaliksik at ipinasagot sa limampung pesante. Nakipanayam din ng mga kinatawan ng isang pangmasang organisasyon—KAMAGSASAKA-KA, at isang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ang mananaliksik upang mas maintindihan pa ang pagpapalit-gamit ng lupa sa lugar. Epekto sa kita, pang-ekonomikong kasiguruhan (economic security), at pangangamkam ng lupa ang sentro ng pag-aaral. Ipinakita sa resulta na marami sa mga pesante (38%) ang nanatili sa dati ang kinikita matapos ang pagpapalit-gamit ng lupa bagaman dumami ang bilang ng pesanteng tiyak na mas mababa pa sa minimum wage ang kita (mula 22% tungong 52%). Sa kabila ng pagpapalit-gamit ng lupa, marami sa kanila ang nanatiling magsasaka (36%). Ipinakita sa resulta na maraming pesante ang naniniwalang hindi pangmatagalan ang mabuting dulot ng pagpapalit-gamit ng lupa(66%). Dahil dito, nagkaroon sila ng impermanence syndrome o kawalan ng kumpyansa sa katatagan at pangmatagalang silbi ng pagsasaka kaya ang kanilang naipon ay ipinundar nila sa ibang pagkakakitaan(28.66%). Walang naiulat na pangangamkam ng lupa sa barangay Santiago bagaman 62% sa mga nagsagot ay walang sariling lupa. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Land-use conversion en_US
dc.subject Land grabbing en_US
dc.subject Economic security en_US
dc.title Isang kritikal na pag-aaral ukol sa epekto ng malawakang pagpapalit-gamit ng lupa sa kita at pang-ekonomikong kasiguruhan ng mga pesante sa barangay Santiago ng General Trias, Cavite en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account