Abstract:
Sa aming bayan sa Sorsogon City, Sorsogon sa rehiyon ng Bicol, kapag paparating na ang eleksyon animo nag- aabang nang piyesta ang mga tao. Darating na ang araw na may mahahawakan kang pera sa kamay mo ngunit sa isang kondisyon, kailangan ibenta mo ang boto mo. Ilang dekada na ang nakalipas at ilang adminsitrasyon na din ang nagdaan subalit isang malaking palaisipan at problema pa rin ang kalakalan ng boto. Madalas na nalalathala na mga panananaliksik ay tungkol sa kung sino at paano bumili ng boto subalit kakaunti lamang ang mga akda kung bakit nga ba may mga taong nagbebenta ng boto. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang malaman ang mga dahilan sa likod nang pagbebenta ng ibang tao ng kanilang boto. Mahalaga itong malaman sapagkat maaari itong makatulong upang malutas ang problema sa bentahan ng boto. Makakatulong din ito sa mas malawak na pag- unawa natin sa kanila at maiwasan ang dagling panghuhusga sa kanila. Isang mahalagang nag-udyok sa tagapanaliksik upang ipagpatuloy ang pananaliksik na ito ay ang nakaka- alarmang kalagayan ng talamak at lantaran na transaksyon ng pagbili at pagbenta ng boto sa aming lugar. Isa sa mga pinakamadaling maisip na dahilan kung bakit ito nangyayari ay ang katotohanan na isang mahirap na probinsiya ang Sorsogon. Ang pagnanais na makatulong at magdala ng pagbabago sa kasalukuyang sistemang umiiral ay isa sa mga dahilan kung bakit may nakitang saysay na ipagpatuloy ito. Ika nga ni Albert Szent-Gyorgyi na tumanggap ng "Nobel Prize" sa physiolohiya at medisina, ang pananaliksik ay ang makita ang nakikita din ng iba at mag-isip ng bagay na walang ibang nakaisip. Marahil marami na ang nag- isip ukol sa paksa ng pagbenta ng boto subalit kakaunti lamang ang mga akda tungkol dito. Dahil dito ang pananaliksik na ito ay ipagpapatuloy upang hindi lang magisip ng walang ibang nakapag- isip kung hindi makatulong sa paggawa ng bagay na hindiginawa ng iba.