DSpace Repository

Kauswagan para sa Tanan! (Kaunlaran para sa Lahat!) Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation?

Show simple item record

dc.contributor.author Almirante, Vanessa Jhene S.
dc.date.accessioned 2020-09-09T03:50:59Z
dc.date.available 2020-09-09T03:50:59Z
dc.date.issued 2012-04
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/506
dc.description.abstract Sa kasalukuyan, ating mapapansin na maraming naglalakihang mga gusali at iba't-ibang imprastraktura ang naipapatayo hindi lamang ng pamahalaan kundi lalo na ng mga pribadong sektor sa lipunan. At dahil sa dami ng bilang ng gusaling naipapatayo sa bansa ay nagkukulang na ang lupang mapagtatayuan ng mga gusaling ito. Land reclamation ang naging solusyon sa problemang ito. Dahil sa reklamasyon ng lupa, nabigyan ng daan ang pagpapatayo ng iba't-ibang proyekto ng gobyerno kasama na rin ang ibang pribadong sektor. Ang layunin umano ng mga proyektong ito ay ang wasto at maayos na paggamit at pamamahala ng mga ari-arian ng gobyerno. Ilan lamang sa mga maaaring gawin ay ang pagpapatayo ng mga high rise buildings gaya ng mga hotels, call center companies, resorts kasama na ang mga floating restaurants na higit na makakatulong upang maka-engganyo ng maraming turista ang ating bansa. Para sa pamahalaan, ang mga proyekto ito ay makakatulong upang maisulong ang pag-unlad ng lipunan at ng ating ekonomiya (Philippine Reclamation Authority, 2011). Ang mga development projects na kaakibat ng pagreklama ng lupa ay makakatulong nga sa pag-unlad ng bansa ayon sa gobyerno. Kung kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit gayon na lamang ang pagsulong ng pamahalaan sa land reclamation dahil malaki ang benepisyong makukuha nito dito lalo pa sa pag-angat ng ating ekonomiya. Subalit sa kabila ng dalang pangako na kaunlaran ng land reclamation, labis naman ang naging pagtutol dito ng mga mamamayan. Masasabi bang ayaw nilang umunlad ang Pilipinas o di kaya ay sila ang hadlang sa pag-unlad ng ating bansa? en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Land reclamation en_US
dc.subject Infrastructure and Development Projects en_US
dc.subject Philippine Reclamation Authority en_US
dc.title Kauswagan para sa Tanan! (Kaunlaran para sa Lahat!) Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation? en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account