dc.description.abstract |
Ang sulating ito ay tungkol sa paggamit ng CSR ng mga kumpanya bilang mukha ng kanilag istratehiya sa pagnegosyo. Ang case study ay ukol sa One Laptop per Child Project sa bayan ng Lubang,Occ. Mindoro. Sa kabuuan, ang OLPC ay isang dipampamahalaang organisasyon o NGO sa ingles. Mula sa opisiyal na website ng OLPC, ito ay naglalayong matulungan ang mga bata ng pinakakamahihirap na bansa sa mundo. Layunin nitong pagbutihin ang edukasyon sa pamamagitan ng pamimigay ng mumurahing laptop sa mga bata na nakatira sa mga liblib na lugar sa mundo. Ang laptop ay popular sa tawag na XO. Nililinaw ng OLPC na ito ay isang proyekto para sa eduksayon at hindi isang "laptop project.".(one.laptop.org) Ang proyektong ito sa Lubang ay mula sa inisyatibo ng lokal na munisipalidad. Noong taong 2009, 100 mga libreng laptop ang ipinamigay sa mga bata sa Lubang. Ang mga laptop, na pawang galing sa donasyon ng ilang mga indibdwal at mga kumpanya, katulad ng Metrobank, at Metro Pacific Tollways, ay naglalayong makatulong sa pag-aaral ng mga bata, at pati na rin upang maging pamilyar ang bawat miyembro ng pamilya nito, at sa kinalaunan ay ang buong komunidad ng Lubang. (OLPC Project head) Samantalang, hatid naman ng SMART ang libreng intenet connectivity. |
en_US |