DSpace Repository

Silya elektrika ang pagsusuri sa epekto ng epira sa kakayahan ng rural electric cooperatives sa pagpapadaloy ng elektripikasyon sa kanayunan

Show simple item record

dc.contributor.author Dantis, Zheanne Aeson M.
dc.date.accessioned 2020-09-09T04:58:33Z
dc.date.available 2020-09-09T04:58:33Z
dc.date.issued 2012
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/512
dc.description.abstract Ang Electric Power o Pakuryente ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap ng kaunlaran sapagkat ito ay kailangan ng mga industriya ng produksyon at kalakal na siyang nagpapasok ng salapi sa kaban ng bayan. Sa kasalukuyan, itinuturing din na ang kuryente ay isa sa mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw na nagdudulot ng kaalwanan sa maraming aktibidad ng mga mamamayan. Hindi magiging maunlad ang ekonomiya ng ating bansa kung walang maayos, mura at mabisang sistema ng Pakuryente. Upang matiyak ang pagsulong ng kaunlaran sa buong bansa, sa pangangasiwa ng National Electrification Administration ay itinatatag ng pamahalaan ang mga Rural Electric Cooperatives na siyang nagpapadaloy ng kuryente sa mga maralitang lugar na hindi binibigyang pansin ng mga pribadong mamumuhunan noong dekada 60. Ang Mga RECs ay non-stock at non-profit kaya ang panimulang puhunan ay ipinautang ng pamahalaan na binabayaran naman sa taripa ng mga kasapi-konsyumer na mga kamay-ari ng RECs. Nang lumaon ay tinustusan din ng pamahalaan ang pagpapalaganap ng pakuryente sa mga malalayong sitio at barangay na nasasakupan ng RECs dahil hindi makayanan ng mga ito ang gastusin para sa mga pasilidad na kailangan. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject National Electrification Administration en_US
dc.subject Rural Electric Cooperatives en_US
dc.subject EPIRA Law en_US
dc.subject Rural Electrification en_US
dc.title Silya elektrika ang pagsusuri sa epekto ng epira sa kakayahan ng rural electric cooperatives sa pagpapadaloy ng elektripikasyon sa kanayunan en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account