dc.description.abstract |
Bilang mga mamamayan na nasa linya ng serbisyo publiko, ang mga empleyado ng gobyerno ay nararapat lamang bigyan ng mga kaukulang benepisyo bilang pagtanaw na rin ng pasasalamat sa kanila sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho sa kabila ng maliit na pasahod na ibinibigay sa kanila. Gayunpaman, mayroong mga pagkakataon na inaabuso ng iilan ang pribilehiyong ibinibigay sa kanila sa kabila ng magandang hangarin kung bakit ito ibinigay. Nagdudulot ito ng mga hindi magandang epekto sa bayan at gayundin naman sa tingin ng taong bayan sa kanilang pamahalaan. Sa papel na ito, umaasa na magkakaroon ng linaw ang ganitong mga kaso at sana ay mabigyan ito ng konkretong solusyon. Isa ang benepisyong sick leavesa mga nakakitaan ng ganitong insidente at ito ang layuning pag-usapan at talakayin sa mga susunod na talata. Sa pamamagitan ng pagpokus dito, lalo na sa mga dahilan kung bakit ito inaabuso, ay makatulong nawa ang buong pag-aaral na ito sa ikasasaayos ng kakulangan sa bahaging ito ng gobyerno. |
en_US |