Abstract:
Ang True Brown Style (TBS) ay isa sa pinakamalawak na street gang sa Pilipinas. Ito ay nagmula sa Estados Unidos at dinala dito ng mga migranteng Filipina-Mehikana at noong una ay ekslusibo lamang para sa mga babae. Ang "trese" na alging kakabit ng pangalan ng TBS ay tumutukoy sa pang-labintatlong letra ng alpabeto, "M", na nagsisignos sa ibang gangs na ang kanilang pinagmulan ay Mehikanang mga grupo. Ang demograpiya ng nasabing organisasyon ay komplikado, may pantay na dami ng babae at lalake mula sa edad na 12-25 na taong gulang. Higit pa dito, hindi katulad ng mga gangs sa Estados Unidos at ibang bansa sa Europa, ang mga myembro ng TBS sa Pilipinas ay galing pareho sa middle-income at low-income na mga pamilya. Ito ay maaaring dulot ng mismong istraktura ng Malabon kung saan magkakapitbahay lamang ang iba't ibang pamilya at dahil sa iilan lamang ang pampublikong eskwelahan sa Malabon. Karamihan ng mga sumasali ay naiimbeta sa eskwelahan, ngunit, ayon sa aming bise alkalde, pinakamadaming hinaing ng gang-related cases ang galing sa pinakamahihirap na komunidad sa Malabon.