Abstract:
Unang narinig ang Daang Matuwid nang maging kandidato si Pangulong Aquino sa ilalim ng Liberal Party. Kung sa ilalim ng administrasyong Arroyo, tinahak ng mga Pilipino ang isang baluktot na daan dahil sa masidhing korapsyon na naganap, umasa ang mga Pilipino na isang malinis at tuwid na daan na magdadala sa kaunlaran sa Pilipinas (Mendoza, 2000). Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maunawaan ang iba't ibang pananaw sa balangkas na "Daang Matuwid" ng Administrasyon Aquino, partikular na titingnan ng pananaliksik na ito ang pananaw ng mga tao mula sa iba't ibang mga grupo at sektor sa ugnayan ng "Daang Matuwid" at ang "Daang Matuwid" na ayon naman sa mamamayang Pilipino. Ang conceptual framework ay ibabatay sa independent variable na Daang Matuwid ng administrasyon at dependent variable na Daang Matuwid ng mga Pilipino. Gumamit ng Focus Group Discussions (FGD), Key Informant Interviews (KII) at sarbey upang maproseso at maanalisa ang mga variables. Nagkaroon ng divergence at convergence sa ideya ng administrasyon at mamamayan tungkol sa Daang Matuwid. Ipinakita nito na bagaman lugod na tinanggap ang "Daang Matuwid", bigo pa dinj ito na makalikha ng makabuluhang pagbabago.