dc.description.abstract |
Bahagi na ng bawat eleksyon na nagaganap ang paglabas ng mga poll na naglalahad ng mga nangungunang kandidato ayon sa publiko. Subalit talaga nga bang kapani-paniwala ang mga preelection poll na ito? May kredibilidad ba ang mga polling organization na nagsasagawa nito? Papaano kung may tunggalian na interes na nagaganap sa pagsasagawa ng mga ito? Ang pananaliksik na ito ay isang case study sa profit-oriented na polling firm na STRATpolls. Ginamit ang SWS bilang kaso para sa paghahambing. Sa pagsusuri at paghahambing sa dalawa, napatunayan ang eksistensya ng tunggalian ng interes (pampubliko at pampribado) sa kumpanyang STRATpolls at maging sa SWS. Gumamit ng anim na pamantayan sa pagsusuri sa dalawang polling organization: 1.) Oryentasyon, 2.) Track Record at Katagalan sa Industriya, 3.) Metodolohiya, 4.) Transparensiya, 5.) Akreditasyon at 6.) Publicity. Gumamit ng panayam (key informant at email interview), survey, at archival research para sa pangangalap ng datos sa pananaliksik na ito. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga key informant at snowball sampling naman para sa survey dahil sa limitasyon ng oras. Coding at content analysis naman ang ginamit para suriin ang mga nakalap na datos. Sa pag-usad ng pananaliksik na ito, napag-alaman na mayroong kakulangan ang STRATpolls at maging ang SWS sa mga nabanggit na salik ng kredibilidad. Napatunayan rin ang eksistensya ng tunggalian ng interes sa mga nabanggit na polling organization. |
en_US |