dc.description.abstract |
Sa panahon ngayon, ang karahasan laban sa mga kababaihan ay hindi na limitado sa lugar na pinangyarihan ng karahasan at sa lalaking gumawa nito sapagkat maaari na itong kumalat ng malawakan sa pamamagitan ng information communication technologies. Tayo ay nabubuhay sa isang mundo kung saan karamihan ng mga tao, lalo na ang mga kabataan, ay nakadepende sa makabagong teknolohiya, tulad ng information communication technologies o ICTs, katulad ng internet, mobile phones, telebisyon at radyo, ay mas napapabilis ang pagkalat ng iba't ibang impormasyon. Mas makabago na ang mga mobile phones ngayon kung saan maaari ng kumuha ng litrato at video ang isang tao at maaari na rin itong ibahagi sa ibang tao sa pamamagitan ng bluetooth. At dahil karamihan ng mga mobile phones ngayon ay mayroon ng wi-fi ay lalong napapabilis ang pagbabahagi ng iba't ibang impormasyon (Smith, 2012) (Panimula) |
en_US |