dc.description.abstract |
Laganap sa buong bansa ang maraming suliranin na kalakip ng kawalan ng mga programa ng pamahalaan patungkol sa pagpaplano ng pamilya partikular sa paggamit ng kontrasepsyon. Tinukoy sa pananaliksik na ito na marami ang isinasaalang-alang ng mga kababaihan sa kanilang paggawa ng desisyon patungkol sa paggamit ng kontrasepsyon. Pinagtuunan ng pansin ng pananaliksik na ito ang paggawa ng desisyon sa paggamit ng kontrasepsyon ng mga kababaihan. Inilahad ang pagkakaiba-iba at maging pagkakapare-pareho ng mga karanasan ng mga kababaihan na may malaking epekto sa kanilang pagtingin sa usapin ng paggamit ng kontrasepsyon. Inalam din ang antas ng pagsasakapangyarihan ng desisyon at paggawa ng desisyon ng mga kababaihan sa tahanan at maging sa lipunan. Naging batayan ng pananaliksik na ito ang mga konsepto ng agency, gender subordination at rights-based approach to health mula sa pagtingin ng teoryang feminism. Sa pag-alam kung paano gumagawa ng desisyon ang mga kababaihan ng maralitang tahanan sa kanilang paggamit ng kontrasepsyon, sinuri ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang paggawa ng desisyon, kung ano nga ba ang mga pangunahing alalahanin ng mga maralitang kababaihan, sino-sino ba ang may papel sa paggawa nila ng desisyon at ano nga ba ang mga karanasan nila na nakakaapekto sa kanilang pagtingin sa paggamit ng kontrasepsyon. Natuklasan sa pananaliksik na nakatulong ang paggamit ng kontrasepsyon sa mga kababaihan sa pag-aangat ng kanilang sarili at pamumuhay ng kanilang pamilya. Ang mga sirkumstansya gaya ng kahirapan, kalusugan at kapakanan ng kanilang pamilya ang pangunahing dahilan ng mga kababaihan sa kanilang paggamit ng kontrasepsyon. |
en_US |