Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa pagtingin ng mga Pilipino sa isang malaking isyu, ang hidwaan ng Pilipinas at Tsina sa Scarborough Shoal. Upang maisakatuparan ang mga layunin nitong pag-aaral ay nagsagawa ng sarbey sa animnapung ulo ng pamilya o kaya ay kanilang may bahay sa Brgy. Gareta at West Poblacion, Palauig, Zambales. Mula sa resulta ng sarbey na isinagawa, lumabas na kakaunti o mababaw lamang ang nalalaman ng mga katugon tungkol sa isyu. Nakita rin mula sa pag-aaral na ito na ang telebisyon ang kanilang pangunahing pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa isyu. Gayunpaman ay nakikita pa rin naman ng mga katugon na may epekto sa kanilang kabuhayan at maaring makaapekto ito sa kanila kung sakaling humantong ito sa giyera. Sa mga kumokonsidera naman na mahalaga sa kanilang buhay ang isyu ay nagbigay ng dahilan ito ay pinagmumulan ng kabuhay at mga resources, at dahil din ito ay parte ng Pilipinas. Samantalang para sa mga nagsasabing hindi mahalaga sa kanila ang isyu ay ganito ang pagtingin nila sapagkat hindi nila nakikitang may epekto o makakaapekto ito sa kanila.