dc.description.abstract |
Ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang pagiging epektibo ng Manila Youth Reception Center (MYRC) sa paghahanda sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) para sa kanilang muling pagbalik sa lipunan bilang "socially-functioning" na mga indibidwal, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa apat na mahahalagang indicators ng “good governance” – clear policy guidelines, facilitative organizational structure, competent staff, at adequate budgetary support. Ang mga pamamaraan na ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito ay in-depth interviews, documentary research, at participant observation, kung saan ang populasyon na kanyang pinagaralan ay labing-dalawang (12) mga respondents na binubuo ng mga piling kawani 1mula sa Manila Department of Social Welfare (MDSW), MYRC, at Manila District Welfare Offices (MDWOs), at ilan sa mga CICL at mga magulang. Sa pagtatapos ng pag-aaral ay napagtanto na hindi ganoon ka-epektibo ang center sa paghahanda sa mga CICL para sa kanilang muling pagbalik sa lipunan bilang "socially-functioning" na mga indibidwal, sa kadahilanang hindi ganoon kaayos ang pamamahalang namamalagi sa buong “juvenile justice system" ng lunsod ng Maynila” – na binubo ng Office of the Mayor, MDSW, MYRC, at ang anim (6) na MDWOs, kung saan maliwanag na naipinakita ang mga “gaps” o butas na bumabalot dito, na nagiging sanhi ng mga isiniwalat na mga problema at kahinaan sa loob ng bawat nauugnay na ahensiya, katulad na lamang ng pagtaas ng “recidivism” o muling pagkakasala ng mga released CICL taun-taon. Ang mga ito ay nagpapatunay na ang kasalukuyang sistema ay nakapagbibigay lamang ng isang "band-aid" na solusyon sa tunay at matagal ng suliraning kinakaharap ng lipunan - kahirapan. |
en_US |