dc.description.abstract |
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay talakayin ang isyu ng diborsyo sa Pilipinas at ang impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa pagpapanukala ng batas dito sa loob ng Kongreso. Mula sa layuning ito, nais ng risertser na tuklasin at maintindihan ang pamamaraan ng partisipasyon ng Simbahang Katoliko sa mga proseso sa lehislatura at bigyang-linaw - pagtibayin o pabulaanan - ang sinasabing impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa usapin ukol sa diborsyo at ang pagpapanukala ng batas dito. Bilang karagdagan, susuriin sa pananaliksik na ito ang konsepto ng separasyon ng simbahan at estado at tatalakayin kung papaano ito pumapasok sa isyu ng diborsyo. Sa kadahilanan na nakatuon ang isyu ng diborsyo sa conflict ng interest sa pagitan ng simbahan at estado, ginamit ang perspektiba ng Critical Social Science Theory upang madiskubre ang mga paraan kung papaano nagagawang kontrolin - tutulan, pigilan, o pahintulutan - ng simbahan ang mga proseso sa pagpapanukala ng batas sa lehislatura gamit ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan bilang isang pressure group. Sa pag-aaral na ito, gumamit ang risertser ng kwalitatibong pamamaraan ng pag-susuri at pag-intindi ng datos, partikular sa may kinalaman sa partisipasiyon ng Simbahang Katoliko sa proseso ng pagpapanukala ng batas sa diborsiyo. Bilang panguna, binigyang pokus ng risertser ang pag-aaral sa istorikal na perspektiba at sa konsepto ng separasyon ng simbahan at estado kung saan gumamit ang risertser ng mga libro at iba pang written/reference materials. Sa paglilikom ng primaryang datos, nagsagawa ng Key Informant Interview ang riserter kung saan nakapanayam nito ang ilang importanteng personalidad na mataas ang kaalaman at imbolbment sa isyu ng diborsyo. |
en_US |