DSpace Repository

Kalsada tungo sa katarungan: mga paraan kung paanong nakatutulong sa mga kapamilya ng mga biktima ng political killings at enforced disappearances ang pagsali sa mga kilos-protesta

Show simple item record

dc.contributor.author Montaño, Allan Paul Bernas
dc.date.accessioned 2020-09-11T06:20:16Z
dc.date.available 2020-09-11T06:20:16Z
dc.date.issued 2010-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/570
dc.description.abstract Ang Unibersidad ng Pilipinas ay isang pang-akademikong institusyon na sikat sa pagkakaroon nito ng mga progresibong estudyante. Sinasabi pa nga na hindi na maalis sa pamantasang ito ang likas na pagiging aktibista ng mga estudyante nito. Simula pa lamang noong dekada '30 ay kilala na ang U.P. sa pagbatikos sa maling gawain ng pamahalaan. Maraming uri o porma ang aktibismo - mula sa pagdalo sa mga kilos protesta, pagsusulat at maging sa pagba-blog ay maituturing na aktibismo. Ang aktibismo kasi ay karaniwang binibigyang kahulugan bilang pagkilos upang sumuporta o sumalungat sa isang partikular na layunin o cause (Farlex, 2009). Samu't sari rin ang mga dahilan kung kaya nagkakaroon ng mga protesta, karaniwan ito ay may kinalaman sa sektor na kanilang kinabibilangan (Andrain & Apter, 1995). Isa mga unang tanong na ibinato sa akin ng isang respetadong propesor noong ako ay nasa unang taon pa lamang ay kung ilang aktibista na daw ba ang namatay sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Hindi ako nakasagot. Hindi ko inakala na sa simpleng tanong na iyon magmumula ang inspirasyon upang maisulat ko ito. Hindi maitatanggi na hanggang sa ngayon, matunog pa rin ang salitang aktibismo at maririnig pa rin sa mga kalye ang sigaw ng mga aktibista. Sa ngayon, isa sa mga pinakamalakas na sigaw ay ang hiyaw na nananawagan para sa katarungan ng mga taong pinaniniwalaang pinaslang o dinukot sa hindi pa maipaliwanag na dahilan. Ito ay ang mga kaso ng enforced disappearances at political o extrajudicial killings. Sa kabila ng mahaba at matagal nang pakikipaglaban para sa katarungan, bakit kaya nanatiling malakas ang mga sigaw? Ang mga katanungang ito ay naglalayon na matukoy ang anumang naidudulot ng pagsali sa kilos-protesta sa konteksto ng mga kapamilya ng mga biktima ng political killings at enforced disappearances. Layunin ng pag-aaral na ito na maintindihan kung bakit sa isang sistema na tila hindi pinakikinggan ang boses ng sambayan, patuloy pa rin ang pagdami ng mga taong sa kalsada naghahanap ng hustisya. [Panimula] en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Student activism en_US
dc.subject Rallies and demonstrations en_US
dc.subject Protest movements en_US
dc.subject Enforce disappearances en_US
dc.subject Extra-judicial killing en_US
dc.title Kalsada tungo sa katarungan: mga paraan kung paanong nakatutulong sa mga kapamilya ng mga biktima ng political killings at enforced disappearances ang pagsali sa mga kilos-protesta en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account