dc.description.abstract |
Maraming opisyal ng gobyerno dito sa Pilipinas ay nagpapahayag sa publiko ng kanilang mga proyektong nagawa at maging mga pagbati sa mga okasyong tulad ng pyesta at Pasko. Ang mga pulitikal na mensaheng ipinaparating ay kadalasang nakikita sa mga billboards, streamers, at mga banner. Karaniwan, sa pampublikong lugar nakakikita ang mga ito. Makikita na ang gobyerno ay gumagawa ng hakbang upang magbigayalam sa mga mamamayan. At sa natatanggap na impormasyon ng mamamayan ay nabibigyang pagkakataon ang taumbayan upang kilatisin ang mga ginagawa ng gobyerno. Sa pag-aaral na ito sisikaping sagutin ang tanong na kung ano nga ba ang epekto ng mga public information na ito o mga pulitikal na mensaheng ipinaparating sa publiko sa pagtingin ng mga tao sa gobyerno, lalo na sa kung anong imahe ang nabubuo nito sa isang opisyal ng gobyerno. Sisikapin ding unawain ang communicative relationship sa pagitan ng gobyerno at ng publiko. ][Panimula] |
en_US |