Abstract:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay maintindihan at maipakita ang ugnayan ng ekonomiko at pulitikal na aspeto ng kahirapan. Madalas, tinitingnan ang pagbibili at pagbebenta ng boto bilang isang market exchange o transaction. Ang pagtingin na ito ay nagresulta sa sentral na kaalamang ipinagpapalit ng mga mahihirap ang kanilang karapatan sa mga panandaliang benepisyo o utility. Ipinapakita ng pagaaral na ito na mayroong mas malaki at mas malawak na epekto ang kahirapan, bukod sa materyal na kasalatan, gaya ng kawalan ng pwersa sa pulitikal na aspeto ng bansa. Ang pagiging gising, o kahit na hindi gising, ng isang mahirap sa kawalan ng kapangyarihan na ito ang nagiging dahilan upang sila ay bumaling sa pagbebenta ng boto.