DSpace Repository

Nanay, tatay: ang impluwensiya ng kasarian sa paggamit ng corporal punishment sa loob ng tahanan

Show simple item record

dc.contributor.author Parugrug, Sharmaine G.
dc.date.accessioned 2020-09-23T23:37:00Z
dc.date.available 2020-09-23T23:37:00Z
dc.date.issued 2015-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/639
dc.description.abstract Ang corporal punishment ay ang paggamit ng pwersa, gaano man ito kagaan, upang makaramdam ng pisikal na sakit ang bata. Ito ay naglalayong iwasto ang gawi ng bata o parusahan ito (Committee on the Rights of the Child, 2006). Maraming insidente ng corporal punishment ang nangyayari sa loob ng tahanan at ginagawa ng mga magulang, mapa-nanay man o tatay. Sa pag-aaral na ito ay tinitingnan kung nakakaapekto ba ang kasarian ng magulang at ng anak ang paggamit ng corporal punishment gamit ang patriyarkal na konsepto ng machismo kung saan ang mga lalake ay inilalarawan bilang malakas, agresibo, at dominante. Gumamit ng kwantitatibo at kwalitatibong metodolohiya sa koleksyon ng mga datos. Ayon sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, mahalagang tungkulin ang pagdidisiplina ng mga bata para sa mga magulang. Mas madalas gumamit ng hindi pisikal kaysa pisikal na porma ng pagdidisiplina ang mga ito upang magampanan ang nasabing tungkulin Bagamat gumagamit din ng pisikal na pagdidisiplina ang mga tatay, mas malaking porsyento ng mga nanay ang gumagawa nito. Wala namang signipikanteng pagkakaiba sa dalas ng pagdidisiplina sa mga anak na babae at lalake ngunit may ilang pahayag na nagsasabing mas mahina ang ginagamit na pamamalo sa mga kababaihan. Ang kasarian ay isang salik na nakakaapekto sa paggamit ng corporal punishment ngunit hindi ito ang tanging batayan. Mahalaga ring tingnan ang iba pang salik upang mas maintindihan ang kabuuang paggamit nito. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Corporal punishment of children en_US
dc.subject Parenting en_US
dc.subject Right of children en_US
dc.subject Patriarchal en_US
dc.title Nanay, tatay: ang impluwensiya ng kasarian sa paggamit ng corporal punishment sa loob ng tahanan en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account