DSpace Repository

Talambuhay politikal ni Obispo Francisco Claver, SJ: ang relasyong simbahan at estado sa Prelatura ng Malaybalay, Bukidnon sa kapanahunan ng Batas Militar ni Marcos.

Show simple item record

dc.contributor.author Bolico, Gerard Porf M.
dc.date.accessioned 2021-08-11T06:12:17Z
dc.date.available 2021-08-11T06:12:17Z
dc.date.issued 2019-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/763
dc.description.abstract Sa panahon bago ang Batas Militar ay nakita ang Malaybalay, Bukidnon bilang isang lugar na mapayapa at hitik sa mga likas na yaman kaya naman ay naging lugar ito ng mga migrante na nag-nais tumakas sa gera at iba pang kaguluhan sa iba‘t-ibang panig ng Mindanao. Dahil dito, naging interesadong lugar ang Malaybalay sa mga Kapitalista na unti-unting sumakop sa mapayapang lupain. Sa pagdating ng mga kapitalista at pagpasok ng Batas Militar ni Marcos ay pumasok ang mga kaguluhan at pagbabago sa Bukidnon. Ang dating lugar na mapayapa ay naging lugar ng agawan ng lupa at militarisasyon. Kakikitaan ang Bukidnon bilang isang estratehikong lugar para sa pagkontrol ng Mindanao kung saan sentro ito ng Cotabato Del Norte, Lanao Del Norte, Davao Del Norte at Agusan Del Sur na tulay upang makontrol ang ekonomiya at politika sa malaking bahagi ng Mindanao. Sa panahong ito ng Batas Militar ay pumasok ang Heswitang Obispo ng Malaybalay, Bukidnon na si Obispo Francisco Claver, SJ. Nagsimula siyang maging Obispo sa Bukidnon taong 1969 at taong 1972 nang ipasabatas ang Batas Militar ay nagsimulang ipakita ng Obispo ang kanyang angking kadakilaan lalo na sa aspeto ng pagtatanggol at pag-oorganisa sa mamamayan laban sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao ng Batas Militar ni Marcos. Gayundin ay naipakita ang pag-aaklas ng mamamamayan laban sa mga pag-atake sa kanila sa probinsya ng Bukidnon. Ninanais ng pag-aaral na ito na ipatampok ang kasaysayan ng pagkilos ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa mga dokumento hinggil sa pamumuno ni Obispo Francisco Claver,SJ sa probinsya ng Bukidnon. Nilalayon ng pag- aaral na ito na magdagdag ng dokumento hinggil sa kung paanong ang mamamayan ay tumugon sa mga hamon ng Batas Militar ni Marcos gayundin ay maipatampok ang lugar ng simbahan sa panahon ng mga sigalot at napapanahong isyung pambayan sa Pilipinas at makapagpakita ng pamamaraan ng pagkilatis sa kung paanong bibigyang-atensyon ang kasaysayan ng pagtugon ng mamamayan laban sa pang-aabuso at pag-atake ng estado. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Bishop Francisco Claver, SJ en_US
dc.subject Church and State Relation en_US
dc.title Talambuhay politikal ni Obispo Francisco Claver, SJ: ang relasyong simbahan at estado sa Prelatura ng Malaybalay, Bukidnon sa kapanahunan ng Batas Militar ni Marcos. en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account