Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin alin ang mas nakakabuting paraan ng pagsasaka: ang organikong pagsasaka na ginagawa ng mga taga-Sagada, Mt. Province o ang di organikong pagsasaka na ginagawa ng mga taga-Cabanatuan, Nueva Ecija. Kinumpara ito sa pamamagitan ng pag-alam ng kalagayan ng mga magsasaka batay sa halaga ng kanilang kinikita sa pagsasaka, produktibidad ng lupang sakahan, at kalusugan ng mga magsasaka. Gamit ang diyalektikong materyalismo bilang teoretikal na pananaw at ang mga kasangkapan sa pananaliksik, natuklasan na mas epektibo ang organikong magsasaka sa usapin ng kita at relatibong mas malusog ang lupain ng mga organikong magsasaka na maaaring magdulot ng mas mataas na produktibidad na hindi gumagamit ng mga kemikal. Hindi epektibong napatunayan kung sino ang mas malusog sa dalawa, dahil persepsyon lamang ng mga magsasaka ang nakalap na datos.