dc.description.abstract |
Ganoon na lamang ang pagsandig ng ating ekonomiya sa tinatawag nating "remittance" o padala ng mga OFW. Nakakalungkot kung iisipin natin, ayon pa sa OWWA, ang mga OFW ay kinikilalang mga bayani kapag sila ay nasa labas ng bansa lamang pero kapag nasa sariling bansa na sila ay hindi pinapansin - ‘neglected'. Mayroong kakulangan sa episyente at sustenableng programang reintegrasyon ang pamahalaan. Ayon pa sa IBON, ito'y self-contradictory dahil kung may kakayanan pala ang pamahalaan na magbigay ng kabuhayan, bakit pa nito tinutulak ang mga Pilipino palabas ng bansa. Para mong sinasabi na okay lang mag-abroad kayo ngayon kasi pag balik ninyo may reintegration programs naman. Kaya lumalabas na kumikita ka na habang abroad ka at kapag gusto mo nang bumalik aalagaan ka pa ng pamahalaan. Ang kailangang bigyang aksyon o tugon ay ang pinakabatayan at pundamental na problema - bakit nga ba walang trabaho para sa overseas workers? "Hindi maganda gawing eksport sariling kababayan para lamang kumita" sabi ng isang propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Kaya ang panawagan ng mga migrante, kanilang mga pamilya at maging ang mga organisasyon na nagsusulong ng karapatan ng mga OFW, trabaho sa Pilipinas hindi sa ibang bansa. |
en_US |