DSpace Repository

Kabuhayan por da pipol, by da pipol: demokratikong pagsasagawa ng angkop at likas-kayang kabuhayan para sa mga maralitang pamilya sa Barangay 178, Camarin, Caloocan City

Show simple item record

dc.contributor.author Ramirez, Sherwyn Renzo G.
dc.date.accessioned 2021-08-27T02:19:49Z
dc.date.available 2021-08-27T02:19:49Z
dc.date.issued 2015-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/999
dc.description.abstract Sakit sa mata sa ilan ang mga mahihirap. Tinuturing silang pabigat sa tuluyang pagunlad ng bansa. Habang nagpapakahirap ang middle-class sa pagtatrabaho at pagbabayad ng buwis, parasito kung tingnan ang mga maralita. Lingid sa kanilang kaalaman na ang lahat ay biktima ng istruktural na suliranin sa empleyo na kaugnay sa kanser ng lipunan. At sa balangkas ng mga polisiya, hindi nararanasan ng mga pinakamahihirap ang mga karapatan kapantay ng sinuman. Sa kasalukuyang katangian ng empleyo sa Pilipinas, maraming mahihirap sa impormal na ekonomiya. Dahil hindi sapat ang trabahong mababa ang kita at hindi tuloy-tuloy, kailangang dumiskarte pa at makadagdag sa panggastos ng pamilya. Samantala, mayroong programa ang pamahalaan sa pamamagitan ng mga pangangalagang panlipunan, upang makatulong sa pangkabuhayang aspeto ng kahirapan sa lungsod. Upang makagawa ng kabuhayang magsasaalang-alang sa kalakasan at kahinaaan ng mga maralita, at sa pagaagapay ng mga interbensyon ng pamahalaan, dapat magkaroon ng puwang upang maging demokratiko ang gawaing pangkaunlarang ito. Ang kasalukuyang istruktura at proseso naman ay nagsasawalang-bahala sa mga maralita bilang bahagi ng lokal na ekonomiya. Sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa 20 nanay na kumakatawan sa iba't ibang maralitang pamilya, maisusulat ang kahalagahan ng kanilang pakikibahagi sa pag-unlad ng sarili at komunidad, at ambag sa ekonomiya ng lungsod. May tatlong bahagi and presentasyon ng datos, una ang Da Pipol na magbibigay ng kalagayan ng mga maralita, pangalawa ang Por Da Pipol na magsusuri sa mga interbensyon sa programang pangkabuhayan, at huli ang By Da Pipol ang paghahanap ng puwang upang makalahok sa pagpapalano at pagsasagawa ang mga mamamayan. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Livelihood en_US
dc.subject Poor families en_US
dc.title Kabuhayan por da pipol, by da pipol: demokratikong pagsasagawa ng angkop at likas-kayang kabuhayan para sa mga maralitang pamilya sa Barangay 178, Camarin, Caloocan City en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account