Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1959
Title: | Ekonomiyang Politikal ng mga Dyipni Drayber |
Authors: | De Castro, Ephraim S. |
Issue Date: | Mar-2008 |
Abstract: | Bawat isa sa mga drayber dito sa ating bansa ay nabubuhay sa pamamasada sa ating lansangan upang makakuha ng sapat na kita para sa pangangailangan ng kanilang sariling pamilya. Ngunit sa sobrang dami ng problema na kanilang kinakarap ito ay nagdudulot ng paghihirap sa kanilang pamumuhay lalo na sa kanilang sariling pamilya. Makikita rito ang ilan sa mga problema ng lubhang nakakaapekto sa kanilang pamumuhay at higit sa lahat sa kanilang kinikita sa pang-arawaraw na pamamasada. Sa lahat ng problemang ito na kinakaharap ng ating mga dyipni drayber ang lubhang naaapektuhan ay ang kanilang kita na kung ating makikita karamihan ay hindi sapat ang kanilang kinikita para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya. Ban sa mga problemang ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina dahil sa pagpapatupad ng Oil Deregulation Law na alam naman natin na pangunahing kinukonsumo ng isang drayber. At dahil sa pagtaas ng presyo ng mga gasolina halos lahat ng kita ng mga drayber ay napupunta lamang sa mga kumpanya ng langis. At dahil sa pagtaas ng presyo ng langis naaapektuhan nito ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa ating bansa at dahil dito nagdudulot ito ng pagtaas din ng mga presyo. Andyan pa ang mga hindi maayos na pamamalakad ng ating gobyemo lalo na sa usapin sa batas trapiko. Ilan dito ay ang usapin sa pagbabayad ng multa sa tuwing lumalabag sa batas trapiko ang mga dyipni drayber. Andyan din ang mga colorum at ”out-of-line” na mga dyipni na patuloy na kumakain at kumukuha ng kita ng mga ligal na dyipni drayber. At ang usapin ng pagbabayad ng boundary na kung minsan ay nagiging dahilan din upang mas lumiit ang kanilang kinikita sa isang araw na pamamasada. Dahil sa mga suliraning ito tulad ng pagtaas ng presyo ng gasolina at pangunahing bilihin makikita na ang kita ng isang dyipni drayber sa isang araw na pamamasada ay hindi sapat at bumababa. At dahil sa pagbaba ng kita ng isang dyipni drayber ito ay hindi sapat upang mabuhay at makuha ang mga pangangailangan sa araw-araw Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang "Ekonomiyang Politikal ng mga Dyipni Drayber” ay naglalaman at tumatalakay sa kasalukuyang katayuan ng pamumuhay ng isang simpleng dyipni drayber sa ating bansa na kung ating makikita ay isang kahig isang tuka ang kanilang uri ng buhay. Nilalayon ng pag-aaral na ito na alamin ang ugat ng problema ng mga dyipni drayber na may rutang Guadalupe at Sta. Ana. Ang mga drayber na ito ay kakapamayamin sa pamamagitan ng mga palatanungan upang mas makakuha ng mga impormasyon na makakapagpalinaw sa pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong para masolusyunan ang mga problema na nararanasan ng ating mga kapatid na dyipni drayber at maaaring makapagpabago ng kanilang pamumuhay. Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga susunod na mag-aaral na magsasaliksik ng paksang may kaugnayan dito. Hindi natin matatawaran ang pagod at tiyaga ng ating mga dyipni drayber na kumakayod sa maghapon upang mapunan ang pangangailangan ng kanilang sariling pamilya. Kinakailangan na makagawa ng maayos na paraan ang ating gobyemo upang maiaahon sa kahirapan ang pamumuhay ng dyipni drayber. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1959 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
E260.pdf Until 9999-01-01 | 94.84 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.