Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1961
Title: Isang Pagtatasa sa Karanasan sa Pagbubuo ng Unyon sa Dalawang Piling Pagawaan sa Metro Manila
Authors: de Guzman, Marikris D.
Issue Date: Mar-2008
Abstract: Sa kabuuan, ang pag-aaral na isinagawa ay naglalayong matasa ang dalawang piling unyon sa pagawaan sa Metro Manila. Tinignan nito ang persepsyon ng mga manggagawa tungkol sa kahalagahan ng pagbubuo ng unyon at ang relasyon nito sa kanilang paggampan ng kanilang gawain bilang mga kasapi ng unyon. Layunin din nitong matignan ang mga gawain ng unyon, ang istruktura nito, ang paggawa ng desisyon, ang collective bargaining nito at paghambingin ang dalawa upang makita kung alin ang mas epektibo o kung pareho ba silang epektibo. Ang manunulat ay gumamit ng mga libro at babasahin tungkol sa kasaysayan ng unyonismo sa Pilipinas at sa mga gabay sa pag-uunyon at iba pang kaugnay na literatura. Gumamit din ang awtor ng kwalitatibong pananaliksik gayundin ang kwantitabong pananaliksik gamit ang talatanungan na siyang sinagutan ng mga manggagawa sa dalawang pagawaan. Tinignan din kung paano ang pagtrato ng manedsment sa mga miyembro ng unyon gamit ang istoriko materyalismong pananaw na nakatuon sa relasyon ng produksyon. Ang manunulat ay may konklusyon na ang dalawang unyon ay naging epektibo sa pagsulong ng interes ng mga kasapi nito at kapwa manggagawa sa loob ng pagawaan subalit ang unyon sa pagawaang Asahi ang mas higit na komprehensibo at mas marami ang benepisyo sa kanilang Collective Bargaining Agreement. Ang dalawang unyon ay masasabing naging epektibo sapagkat natutugunan nito ang mga problema ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan gayundin naman aktibo silang nakikilahok sa mga isyung pambansa.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1961
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
E262.pdf
  Until 9999-01-01
124.67 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.